Coco nagpakalbo para sa ‘FPJ’s Ang Probinsiyano’
GINANAP ang first taping day ng TV adaptation ng FPJ’s Ang Probinsiyano sa isang probinsiya kamakailan at muli bumilib kami sa professionalism ng bidang si Coco Martin na gagampanan ang dating role ni Fernando Poe, Jr.
Wala kasing pag-aalinlangang pumayag ang Teleserye King na magpakalbo para sa kanyang role sa serye bilang pulis. Kasabay niyang nagpa-shave ng ulo ang mga co-stars niyang sina Michael Jornales, Marc Acueza, Lester Llansang, Rino Marco at John Medina.
Bagay naman kay Coco ang kanyang bagong look, at puro positibo ang natanggap na komento ni Coco mula sa mga netizens. Dumalaw din sa taping si Ms. Susan Roces kaya tuwang-tuwa ang binata.
Ang Queen of Philippine Movies ang gaganap na lola ni Coco sa Ang Probinsiyano. Training sa pagpupulis ang eksenang kinunan sa nasabing taping at talagang pinahirapan daw nang todo ang grupo ni Coco dahil hindi raw ito dinaya at sa tunay na putikan sila pinag-training.
Halatang pinaghandaan ng aktor ang mga eksena dahil kitang-kita na high na high siya habang nagso-shoot. Bago mapanood si Coco sa FPJ’s Ang Probinsiyano ay tuluy-tuloy pa rin ang kanyang Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasure tuwing Linggo ng gabi.
Abangan kung ano ang panibagong challenge na haharapin nila ni Julia Montes sa next episode. Ngayong gabi, magpapalit ng anyo si Arkin (Arron Villaflor), mapapapaniwala niya si Tanya (Julia) na isang traydor sa mga diwata ang iniibig nitong tagalupa na si Yami (Coco).
Ano ang gagawin ni Yami kapag natuklasan niya na magpapakasal na si Tanya kay Arkin dahil sa pag-aakala nito na manloloko siya? Maibabalik pa kaya ni Yami ang tiwala sa kanya ni Tanya?
Kasama rin nina Coco at Julia sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures sina Eddie Garcia, Bing Loyzaga, Noni Buencamino, Alonzo Muhlach, Ryan Bang, Marlan Flores at Angel Aquino mula sa panulat nina Noreen Capili at Joel Mercado, at sa direksyon ni Avel Sunpongco.
Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng adventure nina Coco at Julia sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures ngayong Linggo, 6:45 p.m. pagkatapos ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.