Ate Vi goodbye na sa politika; mas type bumalik sa showbiz | Bandera

Ate Vi goodbye na sa politika; mas type bumalik sa showbiz

Julie Bonifacio - May 30, 2015 - 03:00 AM

VILMA SANTOS

VILMA SANTOS

PATUNGONG Europe anytime si Batangas Gov. Vilma Santos kasama ang mister na si Sen. Ralph Recto. May speaking engagement doon ang mag-asawa para sa mga kababayan nating OFW.

Unlike their recent US trip na almost a month silang nagbakasyon, sandali lang daw sa Europe ang famous couple. Kailangan din kasi na bumalik agad ni Gov. Vi para sa shooting ng bago niyang pelikula sa Star Cinema at pagsasama nilang muli ng kanyang future daughter-in-law na si Angel Locsin.

Bago umalis si Gov. Vi ay nag-look test muna siya kasama si Angel. Ayon sa aming source, almost the whole afternoon daw kinunan sina Vilma at Angel sa ABS-CBN.

Ibang look ulit ang makikita kay ate Vi sa bago niyang pelikula under Star Cinema. Bago pumunta ang Star For All Seasons sa ABS-CBN noong Huwebes ay nagpakulay at nagpagupit na raw siya ng buhok. Kailangan daw kasi na iba ang hairstyle niya for her role sa movie.

Tinapos na ni Gov. Vi lahat ng pre-production requirements and meetings sa ABS-CBN last Thursday para nga naman wala na siyang iisipin sa pagpunta nila sa Europe.

Habang nasa Europe naman si ate Vi, plaplantsahin na lahat ng kailangan para sa shooting ng movie nila ni Angel. At pagbalik niya from their trip, sasabak na agad sa kanyang first shooting day ang batikang aktres.

Usap-usapan naman ang susunod na step na gagawin ni Gov. Vi sa kanyang political career. Mukhang firm ang decision niya na tatapusin lang niya ang kanyang term as governor of Batangas and then bye-bye na siya sa politics kahit na ang left and right ang offer sa kanya to run for a higher position.

Mas type pa yata ni Gov. Vi na bumalik sa showbiz at gumawa pa ng mga makabuluhang pelikula. At malay natin she’ll do a teleserye rin sa mga darating na panahon ‘di ba? ‘Yun ay kung ‘di mako-convince si Gov. Vi na ipagpatuloy ang kanyang political career and run for a higher office sa government.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending