Jodi, Ian, Angelica pinag-init ang Social Media sa pilot episode ng Pangako sa ‘yo | Bandera

Jodi, Ian, Angelica pinag-init ang Social Media sa pilot episode ng Pangako sa ‘yo

Reggee Bonoan |May 27,2015
facebook
share this

Jodi, Ian, Angelica pinag-init ang Social Media sa pilot episode ng Pangako sa ‘yo

Reggee Bonoan - May 27, 2015 - 02:00 AM

jodi sta maria

Inabangan din ng buong sambayanang Pilipino ang pilot airing ng Pangako Sa ‘Yo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo noong Lunes. Talagang pinag-init nito ang social media, lalo na sa Twitter kung saan naging isa nga sa top trending topic ang PSY.

Kaya ang tanong ng manonood, kaya rin kayang tapatan o higitan ng PSY ang monster hit na Forevermore nina Enrique Gil at Liza Soberano?

Nalaman namin na hindi lang dito sa Pilipinas inabangan ang airing ng Pangako Sa ‘Yo dahil maging ang TFC subscribers ay talagang hinintay ito.

Anyway, wala pang DJ at Kath na ipinakita noong Lunes dahil back story muna ito kung paano nagtagpo ang mga karakter nina Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria at kung paano mabubuo ang kanilang pagmamahalan.

Pati na rin ang karakter ni Angelica Panganiban bilang si Claudia Buenavista. Naaliw kami kay Jodi bilang si Amor Powers sa eksenang kinakausap niya ang mga larawan ni Ian bilang si Eduardo Buenavista na nakadikit sa aparador at kunwa’y humihingi ito ng halik sa kanya. “Kiss ulit? Hindi ba nag-kiss na tayo kagabi?” ang sagot naman ni Jodi na parang lukaret lang.

Bigla namang lilingon si Jodi sa litrato ng kanyang ina, sabay sabing, “Nagagalit ka na naman ‘nay, pramis, magiging nars ako, pramis ko ‘yan!”

Nakakatuwa rin ang eksenang sinusumpong ng hika si Jodi (claustrophobic siya) nang makulong sila ni Ian sa nasirang elevator at nanginginig na umiiyak habang kinakanta ang, “Tong, tong, tong pakitong-kitong, alimango sa dagat…”, inalalayan agad siya ni Eduardo na nakisabay na rin sa pagkanta – hanggang sa magkatawan na sila.

Maraming nabitin sa pilot episode ng PSY kaya tiyak na mas maraming tututok sa pagpapatuloy ng kuwento nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending