Arjo paghahandaan ang mga eksena nila ni Coco | Bandera

Arjo paghahandaan ang mga eksena nila ni Coco

Reggee Bonoan |May 23,2015
facebook
share this

Arjo paghahandaan ang mga eksena nila ni Coco

Reggee Bonoan - May 23, 2015 - 02:00 AM

coco martin

“Natakot ako, kasi walang ibinigay na reason sa akin kung bakit ako pinul-out, that was three weeks before ako pinapunta naman sa meeting ng Ang Probinsiyano.”

Ito ang sagot sa amin ni Arjo Atayde nang makausap namin tungkol sa bagong serye niya sa ABS-CBN na pagbibidahan ni Coco Martin.

“Inisip ko na lang baka hindi fit sa akin ‘yung role ko sa JaDine (James Reid at Nadine Lustre) teleserye, ‘yun pala may ibibigay sa akin na mas maganda,” seryosong kuwento pa ni Arjo nang makausap namin sa ginanap na birthday dinner ng mama niyang si Sylvia Sanchez kamakailan.

Ang binabanggit ng aktor na pinul-out siya ay sa serye ng JaDine na On The Wings of Love. “Basta ang sabi po sa akin ng handler ko, may meeting ka, pumunta ka (araw ng storycon ng Ang Probinsiyano), walang binanggit po kung anong show, walang information sa lahat. Ang alam ko lang may Coco, ‘yun lang.

“Kaya nu’ng pagpasok ko sa venue, nagulat ako kasi nandoon sina Ms. Susan Roces, tito Albert Martinez, tapos si Coco. It’s really a big project. ‘Yun na pala ‘yun,” kuwento ni Arjo.

Bukod pala kay John Lloyd Cruz ay isa rin si Coco Martin sa pangarap na makatrabaho ni Arjo at ito na nga, dream come true na naman ito apra sa kanya. At maging si Coco rin daw ay sinabihan si Arjo na gusto rin siyang makasama sa project.

“I still remember, he’s (Coco) kind enough na lumapit sa akin sa Star Magic ball noong 2013 at sinabi raw sa kanya ng aktor, ‘Ang galing mo, sana magkatrabaho tayo.’ Napanood daw niya ako sa Dugong Buhay (kasama si Ejay Falcon).

“Kaya nu’ng nagkita kami, sabi niya, ‘ito, matutuloy na rin,’” balik-tanaw ni Arjo kung paano siya kinausap ng hari ng primetime teleserye.

Sobrang paghahandaan ng aktor ang nasabing project dahil magagaling lahat ang members ng cast at ayaw din niyang mabigo ang Dreamscape Entertainment sa unang project na ibinigay sa kanya.

Sa mga nabanggit na kasama sa FPJ’s Ang Probinsiyano ay nakatrabaho na niya si Jaime Fabregas, ito ay sa seryeng E-Boy. Ngayon lang niya makakasama ang iba pang cast.

“Pero matagal ko ng kakilala si Bela (Padilla) kasi kaibigan siya ng mga Asistio (anak ni Nadia Montenegro), nu’ng TJ’s (Restaurant) days pa. Nagkikita kami,” anang aktor.

At ang magiging papel ni Arjo sa Ang Probinsiyano, “Bestfriend, pero not totally laglagan, nagkaroon lang ng influence. Challenging talaga.”

Hindi pa raw napapanood ni Arjo original “Ang Probinsiyano” pero ang role niya ay dating ginampanan ng nasirang Paquito Diaz.

Si Angeline Quinto raw ang leading lady ni Arjo, “I think it’s Angeline, pareho kami ni Coco, parang siya ‘yung light part ng show, hopeless romantic type na girl at siya ‘yung magbibigay ng joy sa viewers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Masyado na kasing (madrama) ‘yung show, so kailangan ng light doon and it’s Angeline who will do that,” anang binata.
Dagdag ba si Angeline sa TV adaptation ng Ang Probinsiyano bossing Ervin?

Wala kasi kaming matandaan na may ganitong papel sa movie version ni FPJ, eh. (At ako pa talaga ang tinanong mo, Reggee! Ha-hahaha! – Ed)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending