Alex may nagawang kasalanan kaya biglang tinanggal ang ‘Inday Bote’? | Bandera

Alex may nagawang kasalanan kaya biglang tinanggal ang ‘Inday Bote’?

Reggee Bonoan |May 23,2015
facebook
share this

Alex may nagawang kasalanan kaya biglang tinanggal ang ‘Inday Bote’?

Reggee Bonoan - May 23, 2015 - 02:00 AM

alex gonzaga

“ANO’NG nangyari sa Inday Bote? Nabasa ko two weeks na lang daw?” Ito ang tanong sa amin ng isang TV executive tungkol sa serye ni Alex Gonzaga sa ABS-CBN.

Palibhasa lagi naming isinusulat si Alex kaya siguro kami ang pinagtanungan ng nasabing ehekutibo na kakilala rin ni Mommy Pinty Gonzaga.

Ikinatwiran namin na isang season lang talaga ang Inday Bote dahil mahal ang budget nito base na rin sa kwento noon ng bagong business unit head ng Dreamscape Entertainment na si Rondell Lindayag sa launching ni Inday Bote.

At sa pagkakaalam namin, talagang para ngayong summer lang ang seryeng ito. At saka baka kailangan na rin ni Alex na maghanda para sa susunod na season ng Pinoy Big Brother na iho-host nila ng kanyang ate Toni Gonzaga.

“Walang extension?” balik-tanong sa amin. Walang binanggit sa amin na mae-extend ang Inday Bote at ang alam namin ay papalitan na ito ng Pasion De Amor nina Ejay Falcon, Jake Cuenca at Joseph Marco kasama sina Ellen Adarna, Meg Imperial at Coleen Garcia.

Pero hirit pa ng kausap naming TV executive, “Naku, I’m sure may issue ‘yan kung bakit hindi nagtagal ang Inday Bote.”
Hala, mayroon nga ba, Alex Gonzaga?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending