Kahit may anak na, Jennylyn pasado kay Sam bilang misis
MATAGAL na palang hinihiniling ni Mother Lily Monteverde sa Star Cinema kung pwedeng mahiram ang serbisyo ni Sam Milby, pero lagi itong hindi natutuloy.
Kaya naman ganu’n na lang ang saya ng lady producer nang finally ay pumuwede na ang aktor na gumawa ng pelikula sa Regal Entertainment.
Noong Miyerkules ay pumirma na si Sam ng two-picture contract sa Regal kasama sina Mother Lily, Roselle Monteverde-Teo at Erickson Raymundo, manager ni Sam.
Magsasama sina Sam at ang MMFF 2014 best actress na si Jennylyn Mercado sa pelikulang “Pre-Nup” na ididirek ni Jun Lana. Kukunan ang kabuuan ng pelikula sa New York, USA na magsisimula na ang shooting sa Hunyo 21.
Sobrang blessed daw ngayon si Sam dahil maganda ang pasok ng 2015 sa kanya, bukod kasi sa positibo ang naging resulta ng auditions niya sa Hollywood, may teleserye pa siyang gagawin sa Hulyo, at ito ngang pelikula nila ni Jennylyn.
Meron din siyang TFC shows sa Vallejo, Chicago, Taiwan at Florida. Matatandaang nawala ang movie project niyang “Ex With Benefits” kasama si Coleen Garcia dahil nga tumungo siyang LA pero naging maganda naman ang kapalit nito dahil napalitan ng “Pre-Nup”.
Samantala, nalaman din namin na kay Sam pala unang in-offer ang “English Only Please”, pero hindi siya pumuwede kaya napunta kay Derek Ramsay. Si Derek din ang humalili kay kay Sam sa “Ex With Benefits”.
Anyway, kinunan ng reaksyon si Sam tungkol kay Jennlyn, “Ang ganda! We met several times, but haven’t had the chance to talk to her, except sa story conference lang.”
Nasabi namin kay Sam na single ngayon si Jennylyn, “Really? Akala ko may boyfriend siya,” nagulat na tanong sa amin.
Hmmmm, iisa ang reaksyon nina Sam at Jennylyn, ha! Ito rin kasi ang naging sagot sa amin ng aktres nang malaman niyang walang girlfriend ang aktor.
Napangiti naman si Sam nang tanungin namin kung posible ba siyang magkagusto sa single mom, “Yes, kung magkakasundo kami, okay kami, why not? I mean, I love to have kids na nga,” pa-cute na ngiti sa amin.
Kaarawan ng aktor sa May 23 at hindi naman niya itinatanggi na gusto na niyang magkapamilya, “In God’s time, gusto ko na rin, siguro in four years time.”
Masuwerte ang makakatuluyan ni Sam dahil ideal husband, father at good provider ang aktor at higit sa lahat, “Gusto ko kapag ikinasal ako, yun na ‘yung forever, ayoko ng hiwalay, ayokong magkaroon ng broken home.”
Kaya naman hindi raw talaga siya pabor sa pre-nup, “Kung hindi kami magkakasundo (asawa), it’s okay, pero I don’t want a pre-nup, that’s my opinion, I respect the others, for me, kung sino ang babaeng pinakasalan ko, that’s forever,” diin ni Sam.
Samantala, naibahagi ni Sam ang mga naging experience niya nu’ng nasa Los Angeles siya, “Nag-aral ako ng acting, meetings, networking new people, and medyo bakasyon din. It went well, it went really well.
“Medyo iba. I haven’t taken that many quest dito, it’s a lot different thing they’re being in a class. It was so many different kinds of people all around the world.
“It was a good learning experience for me and I’m going back again. Kasi gusto ko iba’t ibang teachers din to get different methods of acting.
“Gusto kong mag-grow as an artist. It helps me to see the other actors din, their feedbacks also in giving me feedbacks sa mga eksena na ginawa ko sa class.
“It gives me confidence din. I was able to meet a lot of different people din, it’s really good. Actually, it’s direk Rahyan Carlos who told me to attend classes with Yvanna Chubbuck because she’s good,” kuwento pa ng aktor.
At puring-puri nga raw si Sam sa ginawa niyang presentation doon. Nakasabay daw niya sa auditions ang mga kilalang artista sa Hollywood tulad nina Mandy Moore, mga bida sa US TV series na Smallville, “So mga bigatin din, lahat sila nag-audition. It was a learning experience for me.”
Samantala, aminado si Sam na sa ilang buwan niyang pagkawala sa ASAP ay nagulat siya dahil ang dami nang bagong mukha, napakabilis daw talaga ng turnover ngayon sa showbiz, “Nagugulat ako kasi sa turnover rate, ang bilis, ang daming bago.
Even when I was gone for a while dito sa ASAP, ang daming bago na bata. It’s a lot different, but I’m thankful. “This is my 10th year, and I still have work, sobrang blessed pa rin ako.
I’m not worried ‘coz I really believe in the last 10 years ABS has taken care of me, and I believe will still take care of me. Sometimes we have to accept that this is a job that really won’t be forever.
I still wanna just keep on going, do what I can and enjoy. “Let’s not think about the negativity, puro positive lang, am so blessed so wala naman na akong masasabi pa,” pahayang ng aktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.