Yeng ayaw pang magka-baby: After 2 years pa! | Bandera

Yeng ayaw pang magka-baby: After 2 years pa!

Reggee Bonoan - May 17, 2015 - 02:00 AM


yeng constantino

“SIGURO po, pahinga lang po, pero hindi ko naman siya papalitan talaga kasi ang The Voice naman maraming season, so I think, additional ako sa family.”

Ito ang paliwanag sa amin ni Yeng Constantino nang makatsikahan namin sa studio ng Aquino And Abunda Tonight noong Huwebes ng gabi na ang tinutukoy nga ay si Alex Gonzaga.

Pareho pa rin daw ang coaches ng The Voice Kids Season 2 – sina Sarah Geronimo, Bamboo at Lea Salonga, at si Yeng na nga ang makakasama nina Robi Domingo at Luis Manzano bilang co-host.

Kung si Alex ay luka-lukahan sa mga batang sasali sa blind auditions ng Voice Kids ay magiging ate naman daw si Yeng sa mga bagets.

“Magiging ate ako ng mga bata, at ise-share ko sa kanila ‘yung experiences ko kasi dati rin naman akong kontesera na so kapag kinakabahan sila, I’ll keep them calm.

“Well, marami rin kaming ginagawang kalokohan sa taping, ang mga bata, you have to encourage them laugh, dito lumabas yata ‘yung kalokohan ko. I can’t be too serious kasi lalo silang kakabahan,” sabi ni Yeng.

Sa isang hiwalay na panayam naman kay Yeng, sinabi nitong bilib din siya sa galing ni Alex bilang host ng The Voice, “Sa totoo lang po, medyo kasi napakagaling naman talaga na host ni Alex at iba din ang personality niya.

Even sa ASAP, kaming lahat kapag segment niya ng karaoke part niya ay nanonood talaga kami kasi may part sa kanya na talagang nagsha-shine. So may part talaga na ako parang, ‘kaya ko ba yon?’

“Tapos na-encourage lang ako with people around me telling me, ‘Alex ‘yon eh, she will be Alex you will be Yeng kasi that’s who you are,'” aniya pa.

Samantala, eksaktong tatlong buwan nang kasal si Yeng kay Victor Asuncion at ang ilan sa mga nabago sa buhay niya ay, “Natuto na akong gumising nang maaga para magluto ng breakfast niya, to make coffee, actually, it’s still a learning process for me, marami na akong alam na putahe, check n’yo sa instagram ko, #YengCooks, nandoon lang ‘yun lahat.

“Nagbabasa rin lang about relationships kasi three months palang so we try to learn pa. I’m learning to serve, di ba may mga love language,” anang singer.

At ang share naman daw ni Yan, “Service kasi ang love language niya kaya iyon, ako kasi bunso (sa pamilya) kaya wala akong alam, prinsesa kasi ako, hindi ako naglilinis kasi may kasambahay kami, hindi rin kami masyadong makapaglinis kasi ‘yung house namin, pataas, townhouse kasi, four floors, hindi ko naman kayang linisin ‘yun lahat, umaakyat pa nga lang ako, napapagod na ako.

“Pero ako naglilinis ng closet niya, pero ‘yung iba hindi na ako,” nangingiting kuwento ni Yeng. At simula raw ng nag-asawa si Yeng ay sobra siyang naging blessed, “Hindi ko rin alam kung bakit, parang may something sa relasyon na rin bigay ni God.”

Samantala, sa Maldives daw nag-honeymoon sina Yeng at Yan na regalo ng kanilang ninang at noong Mahal Na Araw ay nasa Bohol naman sila na regalo rin daw sa kanila noong wedding nila.

At tungkol naman sa pagkakaroon ng baby, “After two years pa, sobrang planned kasi maraming plano pa ang Cornerstone sa akin, so ganu’n,” esplika pa ng singer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending