Joey de Leon: Kulang sa utak ang ilang namba-bash sa Social Media!
Kahit hindi pa Puregold endorsers sina Jose Manalo at Ruby Rodriguez ay talagang dito na sila naggo-grocery noon pa, bukod daw kasi sa malapit sa bahay nila ay malaki rin ang nase-save nila.
Sabi nga ni Ruby, “Masyado kasing convenient sa akin dahil malapit sa bahay ko at ang dami nilang branches. At saka ang gusto ko sa Puregold, mayroon silang Payday Sale kaya malaki ang discount at mahilig akong mamili by bulk, ano kasi ako, mahilig sa sale.”
Si Jose na taga-Novaliches ay ganito rin pero ang nanay daw niyang si Aling Annie ang namimili. Si Joey de Leon naman ay ipinagkakatiwala sa mga kasama nila sa bahay ang paggo-grocery pero may bilin naman daw siya na sa PG pumunta dahil mura nga lalo na kung meron siyang gift certificates.
Anyway, magkakaroon ng Tindahan ni Aling Puring Sari-Sari Store Convention ngayong Mayo 20 hanggang 24 sa World Trade Center, Pasay City. Limang araw na walang katapusang saya para sa bawat miyembro ng TNAP program ng Puregold.
Sa nakalipas na 12 taon ay patuloy ang pagtulong ng PG sa mga negosyanteng Pinoy sa pagbigay sa kanila ng karagdagang kaalaman para lalo pa nilang mapalago ang kanilang mga nasimulang negosyo.
Isa sa major highlights ng convention ay ang official launch ng pinakabago at pinalakas na TNAP membership card na naglalaman ng bongga at eksklusibong benepisyo para sa mga miyembro nito.
Libre at lifetime ang membership sa TNAP.Bilang karagdagang bonus para sa convention ngayong taong ito, makikisaya sa mga miyembro ang ilan sa malalaking bituin sa showbiz, kasama na ang mga endorsers na sina Joey, Jose, Ruby, Boy Abunda at Vic Sotto.
Magpe-perform naman sa event sina Zsa Zsa Padilla, Dessa, KC Concepcion, Maja Salvador, Julia Barretto, John Lloyd Cruz, Diego Loyzaga, Giselle Sanchez, Ramon Bautista, Kamikazee, Mitoy & The Draybers, Parokya Ni Edgar, Gloc 9 at Gary Valenciano.
Samantala, sa presscon pa rin ng Puregold, nahingan ng komento si Joey sa kontrobersiyal na joke niya tungkol sa Nepal quake kung saan may ilang netizens ang bumatikos sa kanya.
“Wala na yun, tapos na yun. Hindi ko pinansin yun. Naglalaro ako sa word. Ang naaalala ko lang na sinabi ko, yung tungkol sa Rest In Peace. ‘EveRest in Peace.’ Anong masama dun?
“Yun ang sinasabi ko, kulang sa utak ang ibang nangba-bash. Wala namang masama, ‘Everest in Peace,’ anong masama? Masama kung sinabi ko ‘Everest in freeze,’ yun ang bad. Manigas,” depensa pa ng TV host.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.