Vice Ganda: Gusto kong magpalagay ng boobs, pero hindi pumayag ang ABS-CBN! | Bandera

Vice Ganda: Gusto kong magpalagay ng boobs, pero hindi pumayag ang ABS-CBN!

Reggee Bonoan - May 11, 2015 - 03:59 PM

vice ganda

ENGRANDE ang ginanap na launching ng Belo Essentials na isinabay na rin sa 25 Beautiful Years ng kumpanya sa Trinoma Activity Center noong Sabado.

Present ang mga endorser nilang sina Anne Curtis, Marian Rivera-Dantes, Daniel Padilla at Vice Ganda, at nagsilbi namang hosts sina Robi Domingo at Cristalle Henares.

Unang lumabas ng stage si Anne, at talagang tawa nang tawa ang audience sa production number niya, kumanta ang TV host-actress ng “About The Bass” ni Meghan Trainor.

Bukod kasi sa sintunado na ay super tinis pa ng boses nito. Sabi nga ng katabi namin, parang yerong ginugupit ang boses ni Anne. Isa si Anne sa pinakamatagal na endorser ng Belo, sa ngayon siya ang image model ng Belo Essentials Beauty Duo na sobrang effective raw magpaputi ng kili-kili.

Nag-perform din si Marian that night, hindi lang daw talaga niya mahindian ang ninang Vicki Belo niya kaya kahit buntis ay umindak-indak pa rin ang aktres para makiisa sa selebrasyon.

Ang Belo Collagen Powdered Drink naman ang ine-endorse niya ngayon pero huminto muna siya sa paggamit nito dahil buntis nga siya.

Sumunod na lumabas ng entablado si Daniel para sa Belo Men Acne Control na isang taon na niyang ginagamit at malaki na raw ang ipinagbago ng kutis niya sa mukha dahil maski na puyat siya ay hindi siya tinitighiyawat.

Mala-matrix ang TV commercial ni Daniel na binuo at idinirek ni Quark Henares kaya super proud si doktora Vicki sa kanyang anak sa magandang resulta nito.

Speaking of Daniel, talagang nabingi-bingi kami sa padyakan at hiyawan ng fans, akala nga namin ay magkakaroon ng stampede dahil sa mga “nagwawalang” fans ni DJ.

Huling lumabas ng stage si Vice bilang Belo Intensive Whitening endorser at apat na taon na raw siyang gumagamit ng nasabing produkto. Inamin niyang pina-botox niya ang kanyang underarm para hindi magpawis ng husto.

Habang sumasayaw si Vice ay napansin namin na ang laki ng balakang niya kaya natanong namin pagkatapos ng production number niya kung nagpadagdag siya, “Oo naman, hindi ko naman ito ide-deny.”

Kili-kili at hips na lang daw ang ipinagawa ni Vice dahil pinagbawalan na siya ng mga bossing ng ABS-CBN na magparetoke.
“Pinagagalitan nga ako ng mga bosses, sabi, ‘Tama na yung ganyan, ha? Huwag na yung magpaganda hindi ka puwedeng magpagawa ng ilong, hindi ka puwedeng magpalagay ng kung anu-ano.’ Oo, kasi komedyante ka, e, stick to your core.

“Hindi naman iyan ang ibinebenta mo at ang binibili sa iyo ng mga tao. Hindi kailangang magandang-maganda ka, tama na iyong pleasant ka, mukha kang malinis. Kaya kahit nga gusto kong magpalagay ng suso, hindi puwede. Kasi dati gusto kong magpasuso, e.

“Dati yun sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy, parang gustong kong magpalagay ng dede para doon sa role, tapos tatanggalin ko na lang ulit after. Ayaw nila, hindi ako pinayagan,” pag-amin ng komedyante.

Samantala, sa nasabing 25 Beautiful Years of Belo ay ipinakita ni Vice ang mapapanood sa gaganaping 15th year anniversary concert niya sa Smart Araneta Coliseum sa Mayo 22 na may titulong “Vice Gandang-Ganda Sa Sarili sa Araneta: Eh di Wow!”

Sobrang ibang-iba raw ang concert niyang ito dahil wala pang nakakagawa nito among our local performers, “High-tech, siyempre ‘pag high-tech ang daming effects na gagamitin namin na mga makabago. ‘Yung mga nakikita natin abroad na shows, in-adapt namin yung ibang techniques,” pagmamalaki ni Vice.

“Ito yung first time na mangyayari sa local concert scene na ang stage nasa gitna ng Araneta parang Super Bowl. “Tapos walang backdrop, bilog lang siya. Kaya ang mangyayari it’s either nasa ere o nasa lupa, ganu’n ang mga eksena.

Kitang-kita ako kasi nasa gitna ako e, lahat nakapaligid sa akin,” kuwento ni Vice. Sobrang mahal daw ng concert kaya nag-abono pa siya, “Mahal, kasi overbudget na kami. May mga production dito na nag-abono na ako para huwag lang matanggal.

“Sabi ko, ‘Sige, ibawas na lang sa talent fee ko. Kasi ‘pag natanggal yung ibang effects, parang sayang, kasi yun ang mga pinangarap kong gawin, na dito ko lang magagawa sa Araneta.

Pag hindi ko ito nagawa ngayon, hindi ko alam kung magagawa ko pa. Kasi kung sa susunod pa, baka malaos na or magawa na ng iba,” aniya pa.

Samantala, lumabas ang balitang si Vice ang most influential celebrity sa showbiz ngayon kaya paano niya ito napapanatili, “Sa showbiz? Hindi ko naman masasabing ako, pero kasi sa Yahoo nu’ng naglabas sila ng 2015 o 2014, ‘yung Most Influential Netizens, ako yung cited nilang Most Influential Celebrity sa social media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko kasi masyadong iniisip yung ganu’ng title, na ako ang Most Influential, kaya dapat ganito ang lumalabas sa isip ko, ganito ang lumalabas sa bibig ko. E, ang ano ko naman ang core ko kasi naa-appreciate ng tao yung sincerity ko.

“Ayoko yung masyadong sinasadya na kailangan tama lagi, yung ganu’n na kahit hindi na natural, hindi na tama, hindi na totoo, ‘yun lang,”paliwanag ni Vice.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending