Coco pinaghahandaan na ang kinabukasan nila ni Julia | Bandera

Coco pinaghahandaan na ang kinabukasan nila ni Julia

Reggee Bonoan - May 11, 2015 - 02:00 AM

julia montes

Pagkatapos kaya ng Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures nina Coco Martin at Julia Montes ay tuluy-tuloy pa rin ang komunikasyon nila? Itutuloy na kaya ni Coco ang panliligaw kay Julia?

Ang katwiran niya noon, hindi muna niya ito itinuloy dahil masyado pang bata ang aktres at busy sila sa kanilang career. Kamakailan, nabanggit ng aktor na inihahanda na niya ang sarili sa pagkakaroon ng pamilya dahil natupad na ang pangarap niyang makapagpatayo ng bahay para kasa-kasama niya palagi ang kanyang mga kapatid at magulang.

Si Julia na nga kaya ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay? Feeling nga namin may maayos usapan na ang dalawa para sa future nila. Sabi nga ng ilan nilang tagahanga, ayos na ang buto-buto!

“Nagpapasalamat ako na nandiyan si Coco para magbigay ng gabay sa akin dahil ibang klase siya magbigay ng payo,” kuwento ni Julia nang makaharap naming noon sa launch ng Yamishita’s Treasures.

“Suwerte ako kasi bago ako magkamali, nagtitiwala ako na lagi siyang nandiyan para mag-advise sa akin.” Marami ang nakakapansin na parang hindi na sila umaarte sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures.

Tumayming at nagswak pa naman sa role nila bilang sina Tanya at Yami na hindi na mapigilan ang feelings sa isa’t isa. Marami nga ang kinilig sa episode nila kagabi at nagsabing mukhang sila na talaga in real life.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending