Janno, Derek, Mariel di sinipot ang taping sa TV5 | Bandera

Janno, Derek, Mariel di sinipot ang taping sa TV5

Reggee Bonoan |May 06,2015
facebook
share this

Janno, Derek, Mariel di sinipot ang taping sa TV5

Reggee Bonoan - May 06, 2015 - 02:00 AM

mariel rodriguez

Hindi nakasipot sina Janno Gibbs, Jasmine Curtis Smith, Mariel Rodriguez at Derek Ramsay sa ginanap na workshop para sa bagong programa ng TV5 na Happy Trak ng Bayan.

Makakasama rin nila sa programang ito sina Ogie Alcasid, Kim Idol at marami pang iba pa. Si Mariel ay nasa Hongkong para sa taping naman ng morning show nilang Happy Wife, Happy Life, samantalang si Jasmine ay maysakit habang wala naman kaming nakuhang rason kung bakit wala sin sina Janno at Derek.

Hmmmm, baka naman hindi na naman nagising nang maaga si Janno kaya hindi nakasipot? At si Derek naman ay may commitment?

Anyway, mabubuo na ulit ang Small Brothers tandem nina Ogie at Janno na naging tagline nila noong nasa GMA 7 pa sila, talagang super click ang dalawa sa lahat ng ginawa nilang concerts sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Noong umalis si Ogie sa GMA ay nagsabi si Janno na hindi niya iiwan ang Siyete, katwiran kasi ng singer-actor noon ay okay naman siya sa GMA dahil hindi naman siya nawawalan ng trabaho sa istasyon.

Pero pagkalipas ng ilang taon ay hindi na rin nakatiis si Janno at heto nga’t sinundan na niya ang small brother niyang si Ogie sa Kapatid network at happy talaga siya dahil sa unang project niya ay magkasama agad sila sa game show na Happy Track ng Bayan.

May concerned lang kami for Janno, kaya na ba niyang gumising nang maaga dahil ang alam namin ay tanghali ang airing nito every Sunday at sa labas ng studio pa gaganapin. Unless, may special arrangement na siya sa TV5.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending