Mommy Pinty bwisit na bwisit sa kapalpakan sa concert ni Alex | Bandera

Mommy Pinty bwisit na bwisit sa kapalpakan sa concert ni Alex

Reggee Bonoan |April 28,2015
facebook
share this

Mommy Pinty bwisit na bwisit sa kapalpakan sa concert ni Alex

Reggee Bonoan - April 28, 2015 - 02:00 AM

alex gonzaga

Hinding-hindi na makakaulit ang assistant ni Pam Quinones bilang wardrobe consultant ni Alex Gonzaga dahil puro palpak daw ang mga isinuot ng dalaga sa nakaraang “AG: The Unexpected Concert” nito na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong nakaraang Sabado.

Sa opening number ni Alex ay marami na ang naloka dahil naka-tangga itong lumabas ng stage at wala talagang takip kaya’t parang bold star ang emote ng dalaga.

Isa pang ikinaloka ng mga nanood ay lumabas ng entablado si Alex na nasisilipan dahil sa suot niyang hanging blouse hanggang sa lumabas na nga ang kanyang bra.

Hindi na lang nagpaapekto si Alex sa kahihiyan at nagbiro na lang ng, “Wala kasing kinakapitan kaya hayan (lumabas)!”
Pinagsuot din ng leather jacket si Alex pero kahit paano ay natakpan naman ang dibdib niya, biro nga ni Alex, “Para naman akong mag-aaksyon nito!”

May outfit din ang dalaga na kitang-kita ang underwear niya na kahit anong takip pa ang gawin niya ay nasisilipan pa rin siya. Habang nagso-show pala si Alex sa stage ay panay ang talak ni Mommy Pinty sa namamahala ng wardrobe ng anak. Talagang na-highblood daw ang ina ng dalaga.

Sabi pa sa amin ng isang nasa dressing room, narinig daw niya si mommy Pinty na nag-dialogue ng, “Wardrobe palpak, super lahat. Sinabi ko no tangga (outfit), if ever may (suot) skirt pa rin or shorts.

Basta super palpak ang wardrobe!” Sinubukan naming kunan ng pahayag si mommy Pinty pero nakasara ang kanyang cellphone.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending