Maricar, Richard paspasan na ang paggawa ng baby | Bandera

Maricar, Richard paspasan na ang paggawa ng baby

Reggee Bonoan |April 22,2015
facebook
share this

Maricar, Richard paspasan na ang paggawa ng baby

Reggee Bonoan - April 22, 2015 - 02:00 AM

maricar reyes

At kung malabo pang mabuntis si Gretchen Ho, iba naman ang kaso ni Maricar Reyes-Poon dahil gustung-gusto na raw nitong mabuntis kaya naman hindi na raw ito tumatanggap ng trabaho sa ngayon.

Matatandaang sinabi nina Maricar at asawang si Richard Poon na isang taon after nilang makasal ay gagawa na sila ng baby, lalo’t hindi na rin bumabata ang aktres.

Oo nga, kung hindi kami nagkakamali ay mahigit 30 anyos na ang maybahay ni Richard kaya kailangan na nilang magmadali para hindi ito mahirapang magbuntis.

“Pinapaspasan na nila talaga ngayon birthmate para this year magbuntis si Maricar at next year siya manganak o puwede ring this year,” kuwento pa rin ni Caress Caballero na siya ring handler ng dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending