Jasmine Curtis sa pagpo-post sa FHM: Malayo pa ako sa kaseksihan ng ate ko! | Bandera

Jasmine Curtis sa pagpo-post sa FHM: Malayo pa ako sa kaseksihan ng ate ko!

Reggee Bonoan - April 18, 2015 - 12:00 AM

jasmine smith curtis

SA isang beach sa Thailand nagdiwang ng kaarawan si Jasmine Curtis Smith noong Abril 6 at wala raw siyang ginawa kundi mag-relax lang habang nagbabasa ng libro.

Sa tanong namin kung binati siya ni Sam Concepcion nu’ng kaarawan niya ay umoo naman ang dalaga pero hindi na siya nag-elaborate pa dahil ayaw niyang pag-usapan ang taong hindi niya kasama at gusto niyang irespeto ang pribadong buhay nito.

Samantala, sa edad na 21 ay inamin ng dalaga na nadagdagan ang responsibilidad niya at nabanggit pa niyang, “the eagle has landed” sa ginanap na post birthday presscon niya sa Columbus Lounge ng Discovery Suite.

Paliwanag ni Jasmine tungkol sa ibong agila, “the eagle is a symbol for me of strength and of soaring high for your dreams, for your goals. And being able to lead yourself into a better path and stick to it.

“More responsibilities are coming my way na kailangan ko i-handle more maturely. But in terms of pressure, I don’t want to feel so stressed about that easily, so relax lang tayo – 21, we shouldn’t be too heavy as I turn a year older.

More of, ‘Okay, hello womanhood. Embrace it, make sure you do it responsibly,” say ng TV host-actress. At masaya si Jasmine dahil solo na siyang namumuhay ngayon sa nabili niyang condo unit.

I just finished my first investment, which is the condo I am living in. We also invested in another one. So far, that’s it. Everything I own so far has been paid by me completely, so it’s really independent living na,” kuwento ng dalaga.

Itinanggi ni Jasmine ang tsikang lilipat siya ng ibang network kapag natapos na ang guaranteed contract niya sa TV5 sa 2016, “wala naman pong offer and I’m happy with TV5 the way they treated me, so I have no idea what is this all about.”

Sabi rin ng manager niyang si Betchay Vidanes, “wala ah, ang ganda ng lagay namin sa TV5, saka masaya kami sa TV5, saan ba galing ‘yan?”

Bukod sa pagiging cover girl ng Trip magazine, siya rin ang cover ng bagong Men’s Health, Uno at Rogue. Maraming nagulat sa napakagandang litrato ni Jasmine sa mga nabanggit na magazine dahil sobrang sexy nito at inamin ng dalaga na dahil sa kakukulit ng ate Anne niya kaya siya nag-workout.

“Actually, kay Ate ko talaga hiningi lahat ng payo dun. Yung trainer namin, magkapareho. Pati na rin yung dietician namin, pareho. I trained with Alvin and I also went through a healthier diet with Nadine Tengco.

So, for two months, ganu’n yung inatupag ko, thanks to her,” aniya. Magkasing-sexy na ba sila ni Anne ngayon? “Malayo naman yung pagka-sexy ni Ate sa katawan ko.

Ayoko naman i-name yung mga part ng body namin na magkaiba, pero there are differences. And you can’t escape the comparisons din naman talaga.

So, okay lang yun, kasi lahat naman ng babae magkakaiba ng katawan, e,” sagot agad ng dalaga. “Sobrang saya ni Ate and tuwing pinu-post ko siya sa social media account ko, tini-text niya ako agad. ‘Babe, ang ganda-ganda mo! Congratulations,

I am so happy for you.’ Ang lakas ng support sa akin ni Ate,” kuwento ng little sister ni Anne.  Hindi ba dumaan sa photoshop ang mga litrato ni Jasmine? Ito kasi ang uso ngayon sa ibang artistang nako-cover sa mags, “Ang pangit naman na makita nila na ang ganda-ganda ng katawan sa magazine, pagharap in person, ‘Anyare? Ba’t ganun? Wala naman pala siyang abs, ang laki naman pala ng hita.

“Alam mo yun, walang justice yung pinaghirapan mo kung ipo-photoshop lang din pala. E, di sana hindi ka na lang nag-workout, hinayaan mo na lang na i-photoshop nila, ‘di ba?” anang dalaga.

At dahil nagpa-sexy na si Jasmine, handa na siyang maging cover ng FHM, “Feeling ko sobrang immature pa ng aking pag-iisip for something like that. And it’s a whole different audience that you’re targeting for that, so hanggang dito muna ako.”

Isa pang ipinagpapasalamat ni Jasmin ay kinuha siyang ambassadress ng World Vision sa loob ng apat na taon at may pinag-aaral siyang 21 na mga bata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Say nga ni Jasmin bilang pasasalamat dawn g mga bagets sa kanya, “for the past four years, I’ve been receiving cards, letters and photos from my World Vision kids.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending