2 female host pinarusahan ng TV5 dahil sa pambu-bully
DAHIL sa pambu-bully nina RR Enriquez at Jeck Maierhofer sa isang taong natutulog sa pampasaherong FX ay tinanggal na sila sa second season ng TV5 talkshow na Happy Wife, Happy Life.
Matatandaang kumalat ang in-upload nilang video ng lalaking natutulog na nakasakay sa likod ng pampasaherong FX na nagising dahil binusinahan nila ito ng walang humpay at saka nagtawanan nang malakas.
Hindi nagustuhan ng netizens ang ginawa nina RR at Jeck kaya katakut-takot na pamba-bash ang inabot nila na nakaapekto nga sa programa nilang Happy Wife, Happy Life kasama sina LJ Moreno-Alapag at Danica Sotto-Pingris.
Sa ikalawang season ng nasabing programa ng TV5 na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 10 a.m. ay wala na sina RR at Jeck, ang papalit sa kanila ay walang iba kundi si Mariel Rodriguez-Padilla.
Nagpaliwanag naman ang business unit head ng programa na si Marj Natividad tungkol dito. “We honestly told them (RR at Jeck) kung ano ang naging stand ng TV5 about what happened, I’m sure alam n’yo naman po ‘yun.
“Na talagang hindi rin naman tino-tolerate ng TV5 ‘yung mga misbehaviors na ganu’n especially that housewives sila, supposedly they set good examples to the mothers out there.
So, naging strict ang TV5 pagdating sa pagi-implement ng ganun’g rules,” say ng TV executive. Oo nga, maling-mali talaga ang ginawa nina RR at Jeck na maski na humingi na sila ng dispensa sa lahat ay hindi pa rin sila pinatawad.
“First show nila ‘yun na ganu’n ang format at marami silang natutunan. Actually, hindi masama ‘yung loob nila, they understood the situation, even nu’ng time na in-explain namin sa kanila na hindi na sila ire-renew, they were thankful pa rin po sa TV5,” kuwento pa ni Ms. Marj.
Samantala, ang pagpasok daw ng maraming sponsors ang dahilan kaya nagkaroon ng second season ang Happy Wife, Happy Life bukod pa sa magandang rating nito, “Advertisers are coming in especially kanina po, ‘yun ‘yung pinakamataas na load namin, nag-10 minutes kami sa load namin kanina, all paid commercials po,” say pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.