Mariel bawal pang makipag-sex kay Robin | Bandera

Mariel bawal pang makipag-sex kay Robin

Reggee Bonoan - April 15, 2015 - 03:00 AM

MARIEL RODRIGUEZ AT ROBIN PADILLA

MARIEL RODRIGUEZ AT ROBIN PADILLA

INAMIN ni Mariel Rodriguez-Padilla na sobrang tuwa niya nang mapasama sa second season ng Happy Wife, Happy Life ng TV5 dahil bagay na bagay daw sa kanya ang programa at akma raw ito sa kanyang personality.

Malaking tulong ang Happy Wife, Happy Life kay Mariel para tuluyan na siyang makapag-move on sa pagkawala ng panganay sana nila ni Robin Padilla. Sa presscon ng Happy Wife, Happy Life Season 2 kasama sina LJ Moreno-Alapag at Danica Sotto-Pingris ay nakuwento ng misis ni Binoe ang mga nangyari sa kanya.

“Ganu’n ako kamahal ni God. Kasi, ayaw ni God na matagal akong mag-dwell doon sa pinagdaanan ko. Gusto Niya agad na makapag-move on ako. And he gave me this project that will serve as my new baby.

“So for me, this show is helping me a lot. Kasi, bagay sa akin itong show, akong-ako. Kaya tuwang-tuwa si Robin for me dahil sa show na ‘to. This show really helped me a lot. It’s sort of, hindi naman siya second chance, pero binig­yan niya ako ng sigla ulit.

Totoo po ‘yon. So, I’m really very grateful,” anang TV host-actress.

At dahil nga nawala ang baby nila ni Robin ay natanong si Mariel kung plano ba nilang sundan kaagad, “hindi pa ngayon puwede. Kasi kailangan yata, may one-month na bawal,” sagot ng TV host.

Binanggit ngang bawal ang sex, “Oo, bawal. Bawal ang chorva. Isang buwan lang, yes!” tumawang sagot ulit ni Mariel.

“Ganu’n talaga na after mong magparaspa, kailangan munang mag-rest. Pero sabi nila, baka it will be better pa. For me, sa totoo lang, never akong nawalan ng hope. So, we’ll see,” say ng TV host.

May mga oras na naiiyak pa rin daw si Mariel, “may times na kunwari, okay ako today, tapos may makikita ako (makakapagpaalala sa nawalang anak), malulungkot ako, iiyak na naman ako, parang baliw.

“Tapos minsan, okay ako, biglang makakakita ako ng mayroong nanganganak sa TV, iiyak ako. Tapos, kasi bumili na ako ng mga baby clothes, nakita ko ‘yung mga baby clothes, iyak na naman ako,” kuwento pa ng misis ni Binoe.

Bago niya nalamang nakunan siya ay naramdaman na niya ito dahil nakakita siya ng paru-parong lilipad-lipad sa bahay nila,

“Kasi there was a butterfly. Nagkaroon ng butterfly sa loob ng bahay, e, super-sarado naman nu’ng bahay namin.

“’Tapos sabi ko, ‘Bakit nagkaroon ng ganito dito? Bakit nagkaroon ng butterfly sa house?’ Na-video-han ko pa. Alam mo, the day after that, du’n ako mag-start mag-bleed. Pero alam mo ‘yung hindi naman ako naniwala sa mga pamahiin, sabi ni Robin parang nagbaba-bye na ‘yung baby. Siyempre, cry ako nu’n. Pero after nu’n, slowly ko na siyang natanggap,” mahaba pang kuwento ni Mariel.

At ang katwiran ng TV host sa tanong namin kung bakit inabot pa ng ilang araw bago niya ipatanggal ang dugong naiwan sa kanyang sinapupunan, “Kasi umaasa ako na baka magkaroon ng miracle, mabuhay saka magbi-bleed lang naman din ako, lalabas din ‘yun,” say niya.

Samantala, maraming bumatikos kay Mariel dahil nga ibinase sa post nito sa Instagram na pati pag-iyak niya ay nakunan at naka-pose pa. Natawa na lang si Mariel ng kunan siya ng komento, “A, wala naman akong masasabi.

“Bahala sila sa gusto nilang gawin. Ako din, bahala ako sa gusto kong gawin. Bahala tayong lahat. Si Robin kasi, kinukunan niya lahat. Si Robin talaga yun. Pero yung moments, lahat kina-capture ko.

“Kasi we really want to document, para when the baby comes, gusto ko may album siya,” katwiran ng Happy Wife, Happy Life host.

Nabanggit ni Mariel na noong nagbakasyon daw siya sa Amerika ay nag-alaga siya ng baby ng kapatid niya at doon daw niya naramdaman na handa na siyang maging ina kaya pagdating niya ng Pilipinas (hindi nakasama si Robin sa Amerika) ay binanggit nga niyang, “I am ready na.”

Kaya pagdating niya ay talagang paspas na sila ng asawang si Robin sa pagbuo ng anak. At inamin din ng happy wife ni Robin na talagang gumagamit sila ng safe sex kaya hindi siya nabuntis sa ilang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Speaking of Happy Wife, Happy Life ay excited si Mariel sa pagkakadagdag sa kanya rito dahil marami raw siyang mase-share para sa mga misis na nanonood sa kanila na hopefully ay makatulong sa kanila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending