Manager ni Empress may pakiusap sa madlang pipol
Bago pala nagpa-interbyu si Empress Schuck sa Startalk noong Sabado para pormal nitong aminin na nagdadalantao siya courtesy of her boyfriend Vino Guingona ay hindi naman mapakali ang manager niyang si Becky Aguila dahil hindi nito alam kung anong mangyayari sa alaga niya pagkatapos malaman ng publiko ang kalagayan niya.
Si tita Becky kasi ang unang nakaalam na buntis si Empress bago pa nalaman ng magulang ng aktres kaya naman abut-abot na naman ang kaba sa dibdib ng manager.
Kasi naman, pangatlo na si Empress na nabuntis sa mga alaga ni tita Becky, nauna na sina Jennylyn Mercado at Valerie Concepcion na parehong GMA artists noon.
Sa pamamagitan ng open letter ay inilabas ni tita Becky kung ano ang gusto niyang sabihin kay Empress na binasa naman ni Jennylyn.
Narito ang bahagi ng liham ng manager ng aktres, “Dear Empress, Naalala ko ung unang beses kita nakita, that was 17 years ago, sumama ka sa taping ng kapatid mo na si Princess.
“Unang naisip ko ng nakita kita is ‘ang gandang bata nito’. Tapos nu’ng nakita ko kung paano ka nanuod sa ginagawa ng sister mo at kung gaano ka natutuwa sa camera, naisip ko naman na at a very young age you know what you want to do, what you are passionate about.
“Kaya nung nagsimula ako maging manager ng mga artista, ikaw ang una kong naging alaga. Ikaw ang nagsimula ng karir ko bilang manager. Kung hindi dahil sa iyo, wala ako sa kinalalagyan ko ngayon.
“Kaya nu’ng una kong nalaman at nasabi mo sa akin na buntis ka, hindi ako makapaniwala. Parang isang panaginip. You have to understand EM, you are not just an artist to me, lahat kayo nina Jen, and you are all my daughters.
“Empress, baby kita. My baby is having a baby. That was why ‘yung unang reaction ko is galit, not because galit ako sa nangyari sa iyo, pero nagagalit ako sa sarili ko.
Nagagalit ako dahil natatakot ako sa mga mangyayari, sa mga mawawala sa iyo. “After more than a decade sa industry, nagsisimula ka ulit. This is your passion.
Eto ‘yung dream mo. Ayoko mawalan ka ng pagkakataon na maituloy ang pangarap mo. Natatakot din ako sa magiging reaction ng mga tao.
“We can never please everyone, and sometimes people judge a person without even knowing them. Kaya sa mga nanunuod at nagbabasa ng sulat na ito, sana po, ‘wag ninyo husgahan ang anak-anakan ko, suportahan at unawain natin siya dahil mas kailangan niya yan ngayon.
“Empress, always remember na nandito ako para sa iyo. Kami ni Kat, ni Ate Jen, we are your family. Mahal na mahal kita Em. No matter what happens, I am and will still be, your second mom. I will always be here for you. I love you.
Tita Becky.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.