Boy napaluha nang biglang tumayo at maglakad ang inang may sakit
MARIING itinanggi ng King of Talk na si Boy Abunda na kaya nag-babu na sa ere ang The Buzz ay dahil bumaba ang rating ng programa at kailangang paghandaan na ang bagong show ni Willie Revillame sa GMA 7.
Bukod dito may balita ring papasukin na raw kasi ng premyadong TV host ang pulitika. Sa pahayag ng TV host nang makatsikahan namin kamakailan, wala raw kinalaman si Willie sa pagtsugi sa The Buzz.
“He was never thought about and ayoko namang sabihin na nagagamit siya or nagagamit kami. Wala talaga. He has nothing to do with it. It is an internal decision.
“Bakit tinanggal? Kasi, sa totoong pananalita, ayaw naming mapag-iwanan. We have to come back strong, we have to come back with a new face, a new spirit, and a new color.
“Pero sabi ko nga, tanggapin natin. Kung kailangan si Kris (Aquino), go. Kung hindi ako kailangan, I’m okay, I’ll find another show. Pero huwag na ipilit. Baka hindi na kami bagay.
Kasi at a certain point, parati ko ngang sinasabi, we all have to go. Fortunately and unfortunately, ako, pinaghandaan ko ito,” esplika pa nito sa amin.
Tungkol naman sa pagpasok niya sa pulitika ay wala raw katotohanan ito dahil kuntento na sila na kasalukuyang nanunungkulan bilang Mayor ng Borongan, Samar ang kapatid niyang si Fe Abunda.
At ang tungkol naman sa ratings game ay hindi totoong bumaba o mababa ito. “Yung last show namin, ang load ng commercial is halos 30 minutes, we were like 28 or 29, close to 30 minutes of commercial,” pahayag ni kuya Boy.
As of now ay wala pang ideya ang TV host kung kailan ang airing ng bagong programang kapalit ng The Buzz at habang wala pa raw sinasabi sa kanya ay gusto muna niyang magbakasyon daw sa labas ng bansa.
“Actually, minsan walang plano, naisipan lang namin ni Bong (Quintana, parter niya) na, ‘tara punta tayo ng Hongkong, Macau o Singapore,’ pero wala kaming dalang gamit.
Doon na lang kami bibili tapos babalik din kinabukasan, wala lang para lang maiba ang atmosphere,” natawang kuwento ng TV host.
Masayang naikuwento rin ni kuya Boy na kaya sobrang happy din niya noong Linggo bago siya pumunta ng The Buzz ay dahil nagpakitang-gilas daw ang nanay niya – bigla raw itong tumayo at naglakad mag-isa makalipas ang maraming taon.
“Nakakalakad si nanay, pero may alalay, may kasama at hindi makatayo nang diretso as in naka-ganito (muwestrang kuba), pero last Sunday, biglang tumayo as in straight at naglakad ng walang hawak, parang sinabi niya na, ‘magaling na ako, okay ako.’ Kaya napaluha ako, sobrang sarap ng pakiramdam.
Wala na akong mahihiling pa,” sabi sa amin. At dahil guaranteed contract si kuya Boy sa ABS-CBN tulad din nina Kris Aquino at Toni Gonzaga ay kailangan may kapalit agad ang nawalang show.
Napangiting sagot ng King of Talk sa amin, “Actually, guaranteed contract kami, yes, dapat may kapalit kasi malulugi ang management. Ha-hahaha!”
At dapat ba hindi bababa sa tatlong programa ang umeere, “Well, I have Bottomline, I have Aquino & Abunda Tonight, I have Inside Cinema, pero cable naman ‘yun kaya hindi counted, so dapat isa pa.”
Kina Kris at Toni kaya, ano ang ibibigay na bagong show sa kanila ng Dos?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.