Vilma hinamon: Patunayang galing sa showbiz ang kinitang milyones | Bandera

Vilma hinamon: Patunayang galing sa showbiz ang kinitang milyones

Jobert Sucaldito - April 10, 2015 - 03:00 AM

VILMA SANTOS

VILMA SANTOS

MAHUSAY talagang magsalita si Gov. Vilma Santos – she is a very good actress in all aspects at kaya niyang makuha ang simpatiya ng tao sa bawat pagsasalita niya.

Marami pa rin talaga ang “blind loyalists” ng Star For All Seasons natin kaya kahit ano pang intrigang ibato sa kaniya, with the way she speaks and act sa harap ng camera, she could easily get away from any ordeal.

Nitong huling mga araw ay naging issue kay Gov. Vilma Santos ang pagiging super rich niya. Hindi lang basta rich ha, imagine, mula sa dating P5 million net worth lumobo ito sa mouth-watering na P400 million ayon sa lumabas na SALN report niya. Ang sabi ni Ms. Vilma ay joint SALN daw nila ito ng asawang si Sen. Ralph Recto.

“Puwede ba namang joint ang SALN? Kasi sa pagkakaalam ko, kaniya-kaniya sila ng declaration dahil magkaiba naman ang posisyon nila sa pamahalaan – si Ralph ay senador and si Vilma ay gobernador. Hindi masyadong malinaw kasi sa isyu kung pinagsamang net worth nila ni Ralph ang P400 million kasi nga, si Vilma ang nakalagay sa sentro ng usapin.

“Sana sinabi na lang nilang tig-P200 million sila as far as their net worth is concerned. Okay, ipagpalagay nating joint SALN ito, magkano ang kay Vilma at magkano ba talaga ang kay Ralph? Kasi ang dating sa amin, malaki talaga ang net worth ni Vilma kaysa kay Ralph. Tapos ano naman itong sinasabi ni Gov. Vilma na malaki talaga ang kinita niya bilang artista at product endorser?

“Bakit, ilang pelikula na ba ang nagawa niya mula nang siya ay magpulitika? Madalang lang naman siyang lumabas sa pelikula, di ba? Pati product endorsements niya, karamihan ay renewed lang naman ito every year at sa pagkakaalam ko, pag nag-renew ng kontrata, hindi naman ito tinataasan, kadalasan nga they just get paid half of their original talent fees.

“Ipagpalagay na nating she gets paid the same sa original talent fee niya, do you think ganoon talaga kalaki ang kita niya? Magkano ba siya sa pelikula? Umaabot ba siya ng P50 million per movie?

“Unless siya ang producer ng movies niya at nag-hit iyon sa box-office. Eh, kaso hindi eh. Kadalasan nga sa films niya ay semplang sa takilya kaya imposible yung sinasabi niyang kita niya sa showbiz ang malaking bahagi sa kaniyang SALN. That’s a lie!

“Natatakot ba siyang ma-lifestyle check? Magkano lang ba ang suweldo niya nu’ng naging mayor siya at pagiging gobernador niya? Mahusay sa politics ang mga Recto, that’s a given. Lumalabas talaga sa political circle na si Vilma ang front ni Ralph Recto.

“Kumbaga, maganda ang tandem nila ni Vilma kasi nga kontrolado niya ang Batangas. Recto knows the law while Vilma uses her magic panyo to win everyone’s hearts.

“Mahusay ang mag-asawang iyan and in fairness. Yes, the Rectos were really rich noon, maraming properties ang mga iyan. Pero bumagsak ang finances nila for a long time, and so is Vilma.

“Remember yung sinasabi niya noon na nalugmok talaga siya sa finances niya, her money when she was raking millions nu’ng bata-bata pa siya was mismanaged kaya matagal din bago siya nakabangon. Di ba’t ang laki ng naging utang niya sa BIR before?” talak ng isang nakasubaybay sa political career ni Gov. Vilma.

“Klaruhin muna niya kung magkano sa sinasabi niyang joint SALN nila ang sa kaniya and magkano ang kay Ralph para matilad nang maayos. At yung sinasabi niyang lahat ito ay well-documented, madali naman iyon eh. Natural na talagang idu-document nila iyon nang maayos para hindi sila masilipan.

“Pero ang major na tanong dito, saan galing ang laking perang iyon ni Vilma kung hindi dahil sa politics? Kung paniniwalain niya tayong sa kinita niya sa pag-aartista niya at pag-endorse sa commercials lang ang pinanggalingan noon.

“May nagsasabing meron daw kasi itong negosyo na sobrang lakas ng kita like yung buong second floor daw yata ng Tektite Building ay kanya raw at pinauupahan niya. Kung totoo man ito, saan galing yung pinambili niya ng whole second floor ng said building na iyon?

“That, if the rumor is true? At kailangang malinaw din kung kailan niya nabili iyon at kung kanino nakapangalan. Sige nga,” hamon pa ng bruhang kausap namin. Siguro Noranian ang lola naming ito kaya tutok talaga siya sa isyu. Ha-hahaha!

“But wait, kaya ba niyang sumumpa sa harap ni God that she’s legit in all her dealings sa Batangas? Puwede ba niyang harapin ang kaniyang Panginoon and tell Him that she is clean and fair with her dealings? Hindi ba nababagabag ang konsiyensiya niya?” dagdag pa ng kaibigan naming feeling in the know.

“Ang latest na drama ni Gov. Vilma ay wala pa raw siyang plano to run in the next elections. That’s the biggest lie na kaya niyang ibola sa kaniyang mga blind followers. Ginawa naman na niya dati iyan, di ba?

“Remember during the time na tumakbo siya bilang governor – ang drama niya ay siya ang huling nag-file ng kaniyang COC, napilitan lang daw yata siyang tumakbo dahil iyon ang sigaw ng bayan sa Batangas – ang patakbuhin siya as governor. Galing ng kaeklayan niya, di ba? Pustahan tayo, ganyan din ang magiging drama niya sa 2016,” dagdag pa ng bruhildang friend namin.

Ayokong makipagpustahan, ‘no! Baka maipusta ko ang buong SALN ni Gov. Vi, mapagalitan pa niya ako. Ha-hahaha! Basta ako, tulad mong bruhilda ka, ay naniniwala sa punto mo – na bibiglain na naman tayo ni Gov. Vi sa darating na eleksiyon. Baka maulit na naman ang pagpapahuli niya sa pag-file ng COC para masolo na naman niya ang limelight, di ba?

Magandang pang-mileage iyon bah, lalo na kapag tatakbo na siya sa mas mataas na posisyon!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hay buhay, sarap sigurong maging sobrang yaman, ano po, Gov. Vi?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending