Coco puring-puri ng opisyal ng TV5: Lahat ng kapitbahay binabati niya! | Bandera

Coco puring-puri ng opisyal ng TV5: Lahat ng kapitbahay binabati niya!

Reggee Bonoan - April 09, 2015 - 02:00 AM

coco martin

“Nakakatuwa si Coco (Martin), sobrang bait at sipag. Halos lahat ng kapitbahay niya binabati niya.” Ito ang bungad na kuwento sa amin ng ehekutibo ng TV5 na si Marj Natividad.

Patuloy pa niya, “Lahat ng dumadaan sa tapat ng bahay niya na nandoon siya, binabati niya magandang umaga, makikita mo ‘yan na nagdidilig, nagbubungkal ng lupa, ‘yung katapat kasing lote ng bahay niya, hiniram muna niya at nagtanim siya ng mga gulay.

Kaya nakakatuwa, parang hindi siya si Coco Martin kung umasta.” Nakatsikahan namin ang nasabing ehekutibo sa launching ng bagong talk show ng TV5 na Showbiz Konek na Konek na iho-host nina Bianca King, IC Mendoza at MJ Marfori na nag-umpisa na noong Lunes, Abril 6.

Dalawang bahay lang daw ang pagitan ng bahay nina Ms. Marj kina Coco (sa isang subdibisyon sa Quezon City) kaya madalas daw silang nagkikita.

Nakakatuwa naman si Coco dahil maski taga-kabilang network ay napupuri siya hindi lang sa istasyong pinagtatrabahuan niya, kaya naman pinagpapala siya sa kanyang kabaitan at bilang kapalit ay panalo na naman sa ratings game ang Wansapanataym Presents: Yamishistas’ Treasures na napapanood tuwing Linggo mula sa Dreamscape Entertainment.

Going back to Ms. Marj tinanong namin kung bakit umaga ang timeslot ng Showbiz Konek na Konek? “Naisip kasi namin na sa umaga mas maraming makakapanood na mga nanay o kasama sa bahay habang nagluluto sila, I’m sure naman maski paano ay mahilig din sila sa showbiz.

“Hindi man sila nakatutok sa TV, at least naririnig nila ang pinag-uusapan sa Showbiz Konek na Konek. “Kasi kung sa hapon, usually, siesta time nila, so walang manonood o kaya may ginagawa sila like naglalaba, so totally hindi nila maririnig.

Pag gabi naman, usually news na ang pinapanood, di ba?” katwiran sa amin ng business unit head ng nasabing programa.
Natanong din namin si Ms. Marj kung bakit hindi kasama si Nay Cristy Fermin sa bagong showbiz talkshow nila? “Hindi ko alam, siguro ang higher management ang tanungin mo kasi hindi naman ako ang nagde-decide.

Ang alam ko, may radio program siya at napapanood naman siya araw-araw, so nasa amin pa rin naman si tita Cristy.”
Katwiran namin, iba pa rin kapag kasama si Nay Cristy sa talkshow ng TV5, “Hindi ko na kayang sagutin, ask mo ang TV5 management, sa higher-ups,” diin ni Ms. Marj.

Samantala, inamin naman sa amin na hawig ang Showbiz Konek na Konek sa dating talk show ng TV5 na Juicy, ang pagkakaiba lang daw ay interactive na ito at fast-paced at maka-capture raw nila ang mga nangyayari sa araw-araw at mas maraming segment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero dahil hindi naman sila live araw-araw (ang ibang episodes ay naka-tape na), hindi kaya panis na rin ang mga balita nila, kaya saan papasok ang konek na konek doon?

Pero curious kami kay Bianca King dahil palaban siyang host at diretsong sumagot sa mga isyu sa kanya, gusto rin naming malaman kung paano siya magtanong sa mga artistang may isyu ng hindi pinagtatakpan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending