Pangako ni Boy matapos tsugihin ang The Buzz: Wag kayong umiyak, babalik kami!
BAGO pa mag-Semana Santa ay kalat na sa buong ABS-CBN na mawawala na ang The Buzz kaya nang i-anunsyo nina Boy Abunda, Toni Gonzaga at Kris Aquino na may pasabog sila noong Linggo ay may idea na kami kung ano yun.
Huling episode na nga ng The Buzz noong Sunday, ang programang tinutukan ng buong sambayanang Pilipino at saan man sulok ng mundo sa loob ng 16 na taon.
Samut-saring dahilan ang aming narinig kung bakit biglang namaalam ang The Buzz. Nauunahan na kasi ng social media ang The Buzz, bagama’t may mga exclusive silang balita ay hindi pa rin nito totally matalo ang social media kaya lumalabas na pick-up o follow-up na lang ang ginagawang istorya ng programa.
Malaya na ring nakukuha ng mga tagasubaybay ang mga gusto nilang sagot buhat sa mga artista at hindi na nila kailangang hintayin pa ang Linggo para mapanood sa The Buzz.
Balitang bumaba rin ang rating ng The Buzz dahil iilan na lang ang tumututok dito. Isa rin sa naisip naming dahilan ay mababawasan na sila ng host dahil ikakasal na si Toni sa Hunyo samantalang si kuya Boy naman ay nabalitang kailangan na ring magbawas ng load para sa kanyang health, at si Kris naman, sa pakiwari namin ay gusto na ring magpahinga ng weekend para makapiling ang mga anak dahil limang araw sa isang linggo ay may Kris TV at Aquino and Abunda Tonight siya.
Pero nabanggit naman sa amin ng isang executive ng ABS-CBN na may ipi-pitch daw na bagong programa ngayong linggo para kay kuya Boy na hindi kasama sina Kris at Toni.
Sa farewell speech ay si kuya Boy na ang pinagsalita nina Kris at Toni dahil siya na lang ang naiwang orihinal na host ng The Buzz sa loob ng 16 na taon, bago niya naging co-host sina Cristy Fermin (2003-2008), Ruffa Gutierrez (2007-2010) KC Concepcion (2010-2011), Charlene Gonzalez (2010-2013) at kasama rin sina Janice de Belen at Carmina Villaroel (2013-2014) sa Buzz ng Bayan, at sina Toni (2010-2013; 2014-2015) at Kris (2000-2010; 2014-2015).
Ani Kuya Boy, “opo, mga kaibigan, I’m confirming to you that this is our last show. April 12, simula next Sunday, wala na po kayong mapapanood na The Buzz, but let me explain, It’s very painful dahil naging karelasyon namin kayo for 16 years.
We’ve been together for a long time, and it’s hard, it’s difficult. “Pero ‘yung desisyon po na mawala muna pansamantala sa ere ang The Buzz ay isang desisyon na kailangan at tama.
In denial po ako in the past few days dahil akala ko, ‘pag kailangan na tama, hindi masakit, sobrang sakit po. “This is not just about me. This is not just about Kris and Toni on The Buzz.
This is about the writers, producers, segment producers, cameramen. Alam niyo po, mga kaibigan, hindi niyo po sila nakikita linggu-linggo, pero I feel for them.
“Ang tanong ngayon, mga kaibigan, ay ganito: E, bakit ba kayo magpapaalam? E, bakit ba kayo mawawala sa ere kahit pansamantala lamang? Why are you being cancelled? Why are you going off the air? Ito ho ang paliwanag mga kaibigan, nagbago na ho kami.
“Yung aming mga writers ngayon ay headwriters na, ‘yung mga headwriters po ay creative managers na. Yung aming mga executive producers ay mga business unit heads na, ay head na ng ilang department dito sa ABS-CBN.
“We have evolved into different people today. Naiba na po ang maraming bagay. Nagbago na po ang mga tao sa likod ng The Buzz. Pati kayo po ay nagbago na. Kung noon po ay 20 years old, ngayon kayo ay 36.
Kung noon ay dalaga, ngayon ay may asawa na.”Kung noon may anak, siguro ngayon ay lola na. Kung noon ay 50, ngayon ay pushing 70. A lot of things have changed with you.
Idagdag natin diyan mga kaibigan yung pagbabago ng pamamaraan ng ating pag-uusap. “Noon ang panliligaw ay personal, ngayon ay puwede ng text. Ang mga OFW families ay Skype na kung mag-usap. In other words, marami na ang naganap sa mundong ito.
The world has changed. At ang pamamaraan ng news reporting, and that includes showbiz news reporting, ay nabago na rin po.
“Ito ang dahilan kung bakit pansamantala kami ay mawawala sa ere.
We want to take a few steps backward para makita namin nang mas malinaw kung sino kami, nasa’n kami at nasa’n na po kayo. Para sa aming pagbabalik ay isang malaking pagbabago po ang iyong aabangan.
“I know this is a logical explanation. I know this makes a lot of sense, but it hurts. Because it hurts to say goodbye. Pero ito po ang aming pangako, mawawala man ngayong araw ang The Buzz, magbabalik po kami.
Because showbiz news is here to stay. And the talk show genre is here to stay. “Maaaring we will come back individually or as a group, hindi ko po alam but showbiz news, the talk show genre is not going to die.
It’s going to continue. At magbabalik po kami, ‘yun po ang dahilan kung bakit napagkaisahan naming lahat, na it’s the best way to stop today. And then come back strong and be the best of what we can be.
Don’t cry because it’s over, smile because it happened. “Maraming salamat, Pilipinas, at buong mundo for making Buzz happen.”
Kami rin ay nagpapapasalamat sa The Buzz dahil naging daan din namin ito para sa promo ng mga prinodyus naming shows nina Richard Poon, Ai Ai delas Alas, Jed Madela, Mariel Rodriguez, K Brosas, Valerie Concepcion, Erik Santos, Angeline Quinto, Bugoy Drillon, Pokwang, Toni Gonzaga, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Khalil Ramos, Sam Milby, Jodi Sta. Maria, Richard Yap at Vice Ganda.
Hanggang sa muli.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.