Megan payag magpakita ng katawan, pero... | Bandera

Megan payag magpakita ng katawan, pero…

Ervin Santiago |April 02,2015
facebook
share this

Megan payag magpakita ng katawan, pero…

Ervin Santiago - April 02, 2015 - 02:00 AM

megan young
Papayag si Megan Young na magpa-sexy sa kanyang next project sa isang kundisyon – kailangang pwede pa rin itong mapanood ng mga bata at hindi makokompromiso ang titulo niya bilang kauna-unahang Miss World ng Pilipinas.

Ayon kay Megan wala namang problema sa kanya ang maging daring sa mga susunod niyang proyekto basta masiguro lang na irerespeto at igagalang pa rin siya ng madlang pipol.

“I believe naman kasi na as an artist kailangan open ka rin sa ganyan, but yun nga, just like what I always say, pwede namang maging sexy basta hindi naman yung kabastus-bastos.

Huwag namang bastusin,” paliwanag ng ating 2013 Miss World after niyang pumirma uli ng one-year contract sa GMA 7.
Kung matutuloy ang plano ng GMA, kay Megan nila ibibigay ang remake ng Marimar na pinagbidahan noon ni Marian Rivera.

Okay naman sa dalaga ang nasabing proyekto pero ayaw muna raw niyang umasa dahil baka ma-jinx. Pero ang sigurado na nga ay ang pagkakapili sa kanya bilang bagong host ng Starstruck 2015 with Dingdong Dantes na magsisimula na sa Mayo.

Samantala, natanong naman ang dalaga kung ano ang naging feeling niya habang ipinapasa niya ang kanyang korona sa bagong Miss World, aniya, “Mix of both.

Nu’ng napasa ko na yung crown, relieved, kasi makikita ko na ang family ko, makakauwi na ako. “Pero sad. Siyempre yung pagta-travel mo, nakasanayan mo na.

Yung duties mo every day, ganito pupuntahan natin, ganito preparation ko. Yun siguro na-miss ko…yung people na nakatrabaho ko, ka-batch ko, at yung new batch na nakasama ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending