Dream Dad nina Zanjoe at Beauty tatapusin na | Bandera

Dream Dad nina Zanjoe at Beauty tatapusin na

Reggee Bonoan |April 01,2015
facebook
share this

Dream Dad nina Zanjoe at Beauty tatapusin na

Reggee Bonoan - April 01, 2015 - 02:00 AM

zanjoe marudo
Finally ay ibinigay na ni Alex (Beauty Gonzales) ang matamis niyang “oo” kay Baste (Zanjoe Marudo) kaya naman sobrang saya ni Baby (Jana Agoncillo).

At dahil halos lahat ay masaya na ang characters sa Dream Dad tulad nina Ketchup Eusebio na napasagot na rin si Katya Santos (bilang si Precious) – sina Yen Santos at Guji Lorenzana na lang ang may problema na kailangang ayusin.

Kaya iisa ang hula ng lahat, patapos na ang serye. Akala namin ay extended ito pero nalaman naming hanggang April 17 na lang ang Dream Dad. Akala namin ay aabutin pa ito ng Mayo dahil nga mataas ang rating at maraming ads na pumapasok.

Pero sitsit sa amin ng taga-ABS-CBN ay pinatapos na raw talaga ang Dream Dad dahil papasok na ang Nathaniel nina Gerald Anderson at Shaina Magdayao at isusunod na ang Pangako Sa ‘Yo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Bukod dito ay humingi na rin ng bakasyon si Zanjoe para makasama raw ang girlfriend niyang si Bea Alonzo ngayong Semana Santa dahil matagal-tagal na rin daw silang hindi nakakapag-bonding dahil wala silang panahon sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending