Daniel nakiusap sa fans: Huwag naman tayong maging sadista!!! | Bandera

Daniel nakiusap sa fans: Huwag naman tayong maging sadista!!!

Alex Brosas |March 31,2015
facebook
share this

Daniel nakiusap sa fans: Huwag naman tayong maging sadista!!!

Alex Brosas - March 31, 2015 - 02:00 AM

kathniel padilla
FANS of Daniel Padilla and Kathryn Bernardo are crying for justice after they were accused of being too BARBARIC. One of their members kasi made public her suggestion sa kapwa niya KathNiel fans na sabuyan ng oil or softdrink ang kapartner ni James Reid na si Nadine Lustre.

As such, talagang binash ang fandom nina Daniel at Kathryn. Kasi, parang lumalabas na may topak ang ilang members nito, na capable silang gumawa ng gulo, maghasik ng lagim at manakit ng kanilang kapwa all in the name of Danielhood or Kathrynhood.

Ang feeling tuloy ng marami ay merong criminal instincts ang KathNiel fans, na they’re TWISTED and they’re MORONIC.
And when Nadine gamely answered questions hurled against her including the one which said na merong isang KathNiel fan na nananawagan na sabuyan siya ng mantika or softdrink, palabang sinabi ng dalaga na hindi siya natatakot.

It was sort of challenging the mentally-deranged fan na gawin niya ang kanyang planong pananakit sa kanya. Lumabas tuloy na ang KathNiel fans ang pinakamasama at pinakawalang kuwentang grupo ng tagahanga.

Badly hurt, KathNiel fans made public their cry for justice. Masyado naman daw silang nahusgahan. Sabi ng isang fan, biktima rin si Kathryn ng pamba-bash mostly coming from JaDine fans.

People’s reactions are varied. One guy said, “C’mon wag puro KN. Bakit di nyo ipost dito yung nag edit ang mga JD ng pic ng KN na nasa kabaong at nakalagay RIP. Laging KN ang masama.

Palibhasa paparating ang movie kailangan gumawa ng ingay. Ganyan na ang ba palgi ang pagpromo nyo?” “I am not a fan of both idols pero sa puna ko tama naman na ma-news itong KN fans kasi hindi lang naman yang Jadine na yan ang ginanyan nila.

Halos lahat ng tingin nilang threat sa Kathniel. Nabasa ko din yung kabaong issue.  “Natawa ako sa date nung nagpost. Wala pa ata yang Jadine nung time na yun.

Kumpara sa panlalait ng ibang fandoms sa idol ng mga batang ito, mas harsh naman yung sasabuyan ng mantika kuno at kung ano ano pa. Pag sabihan kasi yung mga kapwa fan.

“Mismo mga official na humahawak ng fandom ng KNs nagpoprovoke ng away. Ito ding mga Jadine wag din mayabang. Nag uumpisa pa lang yang mga yan. Wala sa talent ang tagal sa showbizness. Nasa ugali din,” said another guy.

But this one nailed it, “Dear fans, wag kayo T. sa pagreact react niyo, winner ang network sa publicity for kathniel and jadine. in short, ginagamit lang kayo. if you don’t like them, boycott. wag na magreact. sayang lang ang pagtatanggol niyo, network lang ang masaya at wala silang dapat gawin kundi ipick up ang mga post nyo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pakiusap naman ni Daniel, “Siguro huwag na tayong maging sadista. Huwag naman ganun, huwag natin gawin yun kina James Reid at Nadine dahil talaga namang mabubuting tao yan, mababait at mga kaibigan din naman namin sila at huwag na makipag-away dahil hindi rin tama yun. Mas maganda masaya lang tayong lahat.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending