Sylvia Sanchez natakot kay Luis, inatake ng nerbiyos habang naglalaro sa Dear Or No Deal | Bandera

Sylvia Sanchez natakot kay Luis, inatake ng nerbiyos habang naglalaro sa Dear Or No Deal

Reggee Bonoan |March 31,2015
facebook
share this

Sylvia Sanchez natakot kay Luis, inatake ng nerbiyos habang naglalaro sa Dear Or No Deal

Reggee Bonoan - March 31, 2015 - 02:00 AM

sylvia sanchez
ISA si Sylvia Sanchez sa mga bagong contestant ng Deal or No Deal, pero ayaw niyang banggitin sa amin kung nanalo siya o hindi dahil matagal pa raw bago iere ang episode niya – bawal daw i-preempt.

Humingi kami ng clue: kung ngingiti siya, ibig sabihin, nanalo siya. Pero kung seryoso siya, ibig sabihin, wala siyang naiuwi kahit piso.

Pero ayaw niyang ngumiti o magseryoso bossing Ervin, basta abangan na lang daw namin ang episode niya – ang hinding-hindi lang niya malilimutan ay ang magandang experience niya sa nabanggit na game show.

“Masarap palang nakakanerbyos maglaro, kasi iba ang pakiramdam kapag nasa gitna ka pala, akala ko madali lang, kapag nanonood ako, sabi ko sa naglalaro, ‘ano ba ‘yan, sana ‘yung ganitong number o ‘yung ganu’n’.

“Iba pala ‘yung feeling ng nakaupo lang at nanonood kaysa sa naglalarong nasa gitna. “Gusto kong maranasan noon pa, gusto ko maramdaman ‘yung feeling ng naglalaro.

Kaso sa tuwing iimbitahan ako, hindi swak sa schedule ko, kaya napunta ako sa batch 3. “Iba pala ang feeling, nanlalamig ka, at kaya nagpapatawa si Luis (Manzano) para mawala nerbyos mo.

Saka si Luis, may sapi, dalawang espiritu ang sumasanib sa kanya. “Kapag nag-iinterview, nagpapatawa, pero kapag nagsabi na siya ng, ‘The banker’s offer is…deal or no deal?’ iba na siya, titigan ka nang diretso sa mata kaya nakakatakot na siya.

“Sa totoo lang, mas ninerbyos ako sa Deal or No Deal kaysa mag-teleserye. Kaya sumali rin ako para hindi naman ako laging napapanood na nagtataray, umiiyak at nananampal, gusto mapanood din ako ng tao na masaya.

“Nakakatawa nga, kasi puro ako inhale, walang exhale, sabi ni Luis, ‘tita, inhale-exhale.’ E, hindi ko magawang mag-exhale sa nerbyos!” mahabang kuwento ng aktres.

Pasimple naming sinundot ng tanong kung ano ang gagawin niya sa napanalunan niya, “Alam mo, bokya ako sa mga ganyan, wala akong suwerte, maski nga ‘yung mga pakontes sa malls o raffle tickets, hindi ako nananalo maski na yata pinakyaw ko na lahat ng raffle tickets, wala pa rin.

“Iba ang suwerte ko sa buhay, hindi sa mga games o contest na ‘yan, ewan ko ba. “Pero hindi naman ‘yun ang punto ko kaya ako sumali, gusto kong ma-experience, bonus na lang kung nanalo at kung hindi, okay lang din,” paliwanag sa amin ni Ibyang.

Pero, hindi man niya napanalunan ang isang milyon ay masaya na raw si Ibyang kasi may naipang-share siya. So, hindi nga bokya, “Basta panoorin mo,” sabi ulit sa amin.

Samantala, nakapag-taping na raw si Sylvia para sa Pangako Sa ‘Yo bilang ina ni Angelica Panganiban. “Oo, nanay ako ni Angelica, two weeks episode lang ako doon, guest lang ako,” sabi ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

So, wala pa ring regular show si Sylvia ngayon sa ABS-CBN, “Wala pang offer. Ha-hahaha!” tumawang sabi sa amin ng mommy ni Arjo Atayde.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending