Iñigo, Julia biglang nagka-magic | Bandera

Iñigo, Julia biglang nagka-magic

Reggee Bonoan |March 31,2015
facebook
share this

Iñigo, Julia biglang nagka-magic

Reggee Bonoan - March 31, 2015 - 02:00 AM

julia barretto
Napanood namin ang coverage ng debut ni Julia Barretto noong Linggo sa ABS-CBN, pero naunang ipinakita ang bonding moment nila ni Iñigo Pascual tulad ng surfing at pottery making.

Nang ma-feature sa Maalaala Mo Kaya ang dalawa ay nakitaan na namin sila ng chemistry, pero kapag nakikita naman namin sila ng personal sa mga showbiz event, parang wala naman kaming nakikita.

Sabi nga namin, bakit parang walang kilig sina Julia at Iñigo kapag magkasama?  Nabanggit pa nga namin na parang mas bagay pa ang binata sa Kapamilya young actress na si Sofia Andres kasi may nakikita kaming sweetness sa kanila, kasi nga may special silang nararamdaman sa isa’t isa.

Pero nang mapanood nga namin ang Just Julia noong Linggo ay bigla naming na-feel ang chemistry nina Julia at Iñigo lalo na nu’ng nagbibiruan na sila, habang nagte-trekking at nagse-surfing.

Doon na lang namin nasabi na bagay din silang magka-loveteam. Tapos nu’ng isinayaw na ng anak ni Piolo si Julia sa debut party ng dalaga at kinantahan pa, marami ring kinilig na viewers.

Baka kasi nu’ng time na nakita naming magkasama ang dalawa sa presscon ng bago nilang seryeng And I Love You So ay hindi pa sila ganu’n ka-close?

Siguro kailangan laging magkasama ang dalawa para masanay na ang mga tao sa loveteam nila, tama?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending