Sigaw ng bashers: Bea ginagaya ang drama ni Cristine | Bandera

Sigaw ng bashers: Bea ginagaya ang drama ni Cristine

Reggee Bonoan |March 30,2015
facebook
share this

Sigaw ng bashers: Bea ginagaya ang drama ni Cristine

Reggee Bonoan - March 30, 2015 - 02:00 AM

zanjoe marudo
PINALAGAN ng taga-Star Magic ang balitang buntis si Bea Alonzo kay Zanjoe Marudo. Napansin kasing sobra ang payat ngayon ni Bea nang makita siya sa launching ng isang feminine wash kamakailan.

Naiulat sa isang blog site na buntis si Bea kaya naman kanya-kanyang reaksiyon ang netizens tungkol sa isyu. Nabanggit pang baka mag-ala Cristine Reyes si Bea na panay ang tangging buntis pero totoo naman pala.

Naging palatandaan ang paglilihi ni AA (palayaw ni Cristine) na nangayayat din noon at mega deny na buntis siya, pero sa kalaunan ay umamin ding buntis siya.

Katwiran ng taga-Star Magic, “Paano mabubuntis si Bea, e, busy sa shooting ng ‘Crossroads’ at nagpara-sailing pa. Di ba masama ‘yun kung buntis?”

Kasama si Bea sa pelikula sina Richard Gomez at Dawn Zulueta na may working title na “Crossroads” mula sa direksyon ni Ruel Naval, handog ng Star Cinema.

Huling napanood si Bea sa seryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon kasama sina Paulo Avelino at Albert Martinez na nagtapos noong Oktubre 2014 mula sa Dreamscape Entertainment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending