Ate Guy kay Kris: Hindi ko gusto si Noynoy kaya di ko tatanggapin ang tulong niya! | Bandera

Ate Guy kay Kris: Hindi ko gusto si Noynoy kaya di ko tatanggapin ang tulong niya!

Jobert Sucaldito |March 30,2015
facebook
share this

Ate Guy kay Kris: Hindi ko gusto si Noynoy kaya di ko tatanggapin ang tulong niya!

Jobert Sucaldito - March 30, 2015 - 02:00 AM

kris nora aunor

Nakausap ko si Mama Guy the other day at biniro ko siya kung tatanggapin pa ba niya ang alok ni Kris Aquino na plane tickets sa kaniyang pagpapaopera ng lalamunan sa Boston on June 9, 2015.

Hindi ba’t nagkaroon ng isyu regarding Mama Guy’s sentiments against Kris’ president brother Noynoy Aquino. “Siyempre, hindi na. Por delicadeza naman, di ba? Tsaka hindi ko naman hiningi sa kaniya iyon – she offered that and I appreciated naman her kindness.

But of course, hindi naman nila ako puwedeng diktahan. Hindi ko gusto ang brother niya but it doesn’t mean na hindi ko dapat i-appreciate ang generosity ni Kris.

Pero hindi ko siyempre tatanggapin na iyon,” ani Mama Guy na super-pinagkaguluhan sa birthday party ni Nanay Nita de Leon sa Malolos, Bulacan the other day.

From Bicol ay dumiretso na si Mama Guy sa birthday party ng mother ng kaibigan naming si Papa Roi de Leon. “Na-miss ko na talaga ang pagkanta. Hindi talaga ako comfortable sa ganitong boses.

Hindi ako ito. Kaya sisikapin ko talagang matuloy ang operasyon ko sa Amerika this year, sa June 9. Hirap na hirap nga akong magsalita – effort talaga for me. Parang feeling ko paos ako for life.

Puwede naman daw agapan sabi ng doktor kaya habang may chance pa, gagawin ko na,” ani Mama Guy. Wait lang Mama Guy – pag nakuha ko nga ang random sa Solaire, ako na ang sasagot sa plane tickets mo. Business class siyempre. Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending