Alex sinisiraan para walang manood ng concert sa Araneta | Bandera

Alex sinisiraan para walang manood ng concert sa Araneta

Reggee Bonoan - March 25, 2015 - 02:00 AM

alex gonzaga
SI Alex Gonzaga nga ba ang cause of delay sa taping ng Inday Bote?

Kuwento sa amin, nagiging cause of delay daw sa taping ang aktres dahil kailangan din nitong asikasuhin ang kanyang “The Unexpected Concert” sa Smart Araneta Coliseum na gaganapin sa April 25.

Problemado raw ang production team ng Inday Bote dahil kay Alex na kung hindi kami nagkamali ng dinig ay kinukunan na ang mga eksenang hindi siya kasama.

Nagtanong kami sa taga-Dreamscape Entertainment na siyang namamahala sa Inday Bote kung trulili ang isyung ito.
“Alam mo, nakakaawa naman si Alex, puro nega na lang ang nasusulat sa kanya, unang isyu, kesyo may humaharang daw sa promo guesting niya, e, sino naman ang haharang?

“Pangalawang isyu, heto, cause of delay naman daw sa Inday Bote, hindi naman totoo ‘yun? Actually, nagtanong nga sa amin si direk Lauren (Dyogi) kung nagpaalam daw sina Alex at Mommy Pinty (Gonzaga) kasi nga baka manghingi ng mga araw for rehearsals, sabi namin wala naman, okay naman ang schedule, walang nasasagasaan, in fact kami pa nga ang may utang na tatlong linggo kay Alex kasi hindi pa namin nagagamit.

“Hindi nanghihingi ng araw si Mommy Pinty, kung may hihingiin siya, may ipapalit ding ibang araw. Hindi pa nga namin nagagamit ‘yung mga araw kasi na-extend kami sa mga batang kinukunan.

“Kita mo nga, hindi pa nga siya lumalabas kaya hindi totoong cause of delay siya,” paliwanag sa amin ng taga-Dreamscape.
Nagtataka rin ang kausap namin kung sino ang gumagawa ng mga isyung ito kay Alex dahil hindi raw nakakatulong sa aktres, “Oo kasi kawawa naman, may concert baka hindi bilhin ang tickets sa mga nababasa nila, ‘wag naman ganu’n,” sabi pa sa amin.

E, bakit nga ba kasi sinisiraan si Alex, “Siguro pa-underdog para maraming maawa na inaapi, posibleng ganu’n ang strategy ng promo na hindi maganda,” sabi pa ng kausap namin.

Nabanggit din sa amin na hindi naman totoong hinaharang ang guesting ni Alex para sa promo ng “Unexpected Concert” dahil nag-guest na siya sa ASAP at sa GGV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending