Maxene Maglona waley na waley sa YFSF | Bandera

Maxene Maglona waley na waley sa YFSF

Ambet Nabus |March 25,2015
facebook
share this

Maxene Maglona waley na waley sa YFSF

Ambet Nabus - March 25, 2015 - 02:00 AM

maxene magalona
MARESPETONG jury members sina Gary Valenciano, Jed Madela at Sharon Cuneta sa Your Face Sounds Familiar.

Sa paulit-ulit nilang pagre-remind na hindi naman singing contest ang nasabing reality talent show (lalo na kapag natatapos ang performance ni Maxene Magalona), hahangaan mo na lang ang kanilang pagiging “civil” at kabaitan sa mga celebrity performer.

Noong mapanood namin ang performance ni Maxene doing a Pilita Corrales number, kahit kami ay napabilib sa tapang at lakas ng loob ng dalaga na magaya kahit paano ang music icon, though hindi talaga nagmarka sa amin ang kanyang panggagaya sa Asia’s Queen of Songs.

Not a single note of hers matches that of Pilita, but she did try hard para kahit sa aura at kilos ay magaya niya ito. Ang pagiging bubbly at magiliw ni Sharon sa mga kalahok ang isa sa mga nagpapagaan ng ambiance sa show plus Gary’s very positive comments kahit ramdam mong nagpapakadisente lang ito.

Hinihintay namin yung moment na sinasabing posibleng ilabas ni Jed ang kanyang “taray mode” though wala pa nga lang sigurong opportunity dahil in all fairness, lahat naman ng kalahok ay nakikitaan ng effort na magaya ang naa-assign sa kanilang music icon.

Sa round one ay nag-top si Jay-R when he did what they called “flawless” impersonation of Pepe Smith and we believe na posibleng siya na naman ang makakuha ng round two dahil sa husay niya sa pagkopya kay Stevie Wonder.

Pero sa second round nga ng showdown during the weekend, si Karla Estrada ang nanguna na patok na patok bilang si Chaka Khan.

Number one show ngayon ang Your Face Sounds Familiar, at walang kataka-taka dun lalo pa’t tunay na entertaining at feel-good lang ang peg programa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending