Iñigo pinayagan na ni Piolo na tumigil muna sa pag-aaral
Tulad ni Piolo Pascual na gustung-gustong interbyuhin ng entertainment press dahil madaldal nga ang aktor, ganito rin ang anak niyang si Iñigo Pascual at magalang pa.
Sayang nga lang at hindi na namin na-one-on-one ang binatilyo dahil kaagad na silang ipinasok sa isang kuwarto para mainterbyu naman sa isang radio program.
Nangyari ito sa media announcement ng bagong serye ni Iñigo kasama ang leading lady niyang si Julia Barretto at si Miles Ocampo na may titulong And I Love You So mula sa Dreamscape Entertainment.
Sa Q and A presscon ay sinabi ng binata na sobrang nagpapasalamat siya dahil isinama siya sa bagong serye ng Dreamscap, ito rin ang una niyang serye sa ABS-CBN na aminadong mixed emotions siya – sobrang saya at kabado.
Kabado dahil tiyak na ikukumpara siya sa papa Piolo niya o mage-expect ng sobra sa kanya ang viewers at masaya dahil pinayagan na siya ng tatay niyang mag-full time sa showbiz.
“I’m surprised talaga na he let me dahil ‘yung plan talaga ay babalik na ako sa States but the opportunity is here and it’s not gonna be here all the time, so, ‘yun nga, I have to grab the opportunity and it’s my passion as well, so, ‘yun po,” pahayag ng binatilyo.
Pangako ni Iñigo na pagbubutihin niya ang trabaho niya para hindi mapahiya ang tatay niya. Samantala, isasantabi muna ng bagets ang pag-aaral niya, “yes, for now, I’ll be staying here pero babalik-balik pa naman ako sa States.
I’m still doing online schools, I’m looking for a couple of schools and program where I can go to school at least once or twice a week.”
Pero nangako naman ang young actor na tatapusin niya ang pag-aaral niya lalo’t may usapan silang mag-ama na kapag nagka-problema siya sa pag-aaral niya ay hinto ang showbiz career niya.
Ngayong summer na mapapanood ang And I Love You So kung saan makakasama rin sina Angel Aquino, Bing Loyzaga at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.