Coco umaabot sa take 6 ang mga eksena sa ‘You’re My Boss’ | Bandera

Coco umaabot sa take 6 ang mga eksena sa ‘You’re My Boss’

Reggee Bonoan - March 21, 2015 - 02:00 AM

coco martin
Malaking hamon kay Coco Martin ang pelikulang “You’re My Boss” dahil romantic-comedy nga ito, at alam naman ng lahat na drama talaga ang forte ng aktor.

At dahil si Toni Gonzaga ang makakasama niya at naisip na rin ni Coco na kailangan na rin niyang subukan ang ibang genre ay tinanggap niya ang offer ng Star Cinema.

Ipinagtapat ni Coco sa presscon ng “You’re My Boss” na sobrang nagpapasalamat siya kay Toni dahil sa rami ng natutunan niya at tulong na ginawa ng aktres sa kanya lalo na sa tamang pagbigkas ng English terms para sa mga linya niya sa pelikula.

Hindi rin nahiyang aminin ni Coco na inaabot siya ng take 5 or 6 sa pelikula bagay na hindi nangyayari sa kanyang mga teleserye na puro drama. Kuwento ni Coco, “Nu’ng una talaga, sobrang hiyang-hiya ako kay Toni.

Kasi siyempre, Toni Gonzaga siya. “Iniisip ko, baka mamaya, hindi ako puwedeng magkamali. Baka mamaya, husgahan niya ako sa pag-­deliver ko ng lines, mali-mali ‘yung pag-pronounce ko ng English na lines.

“Pero ang ikinaganda no’n, hindi ko na­kita kay Toni ‘yon. Kasi siyempre, artista ako, baka mamaya husgahan niya ako. Mamaya isipin niya, ‘Ganito pala ‘to ka­jologs?’

“Kumbaga, nu’ng naramdaman ko kay Toni, ilang days pa lang kaming magkatrabaho, pero alam mo ‘yung parang ang gaan agad ng loob ko sa kanya? Kasi, hindi niya ako tinitingnan kung ano ako.

Tinitingnan niya ako bilang katrabaho niya, tini­tingnan niya ako bilang aktor, bilang tao, hindi bilang artista lang.
Kasi honestly, bilang artista, ang taas masyado ng tingin ko kay Toni. Siyempre, ‘yun nga, perfectionist.

“Sabi ko nga, ‘matalino ‘tong taong ‘to, eh!’ Baka mamaya, husgahan niya ako na, ‘Eto lang pala siya?’ Nakita ko sa kanya, willing siyang makipag-collaborate.

Tapos kumbaga, iwe-welcome ka niya na, ‘Eto ako, tao ako, hindi ako artista!’ Dagdag pa ni Coco, “Kasi sa larangan ng romcom, tama ‘yung sabi ni Direk (Antoinette), lahat ng eksena ni Toni, good take, one take lang.

Hiyang-hiya ako ‘pag aarte ako, tapos sabi ko, ‘hay, hindi ko pa rin nakuha.’ “‘Pag nasa bahay ako papunta sa location, ini­isip ko, ‘sana maka-one take ako!’

Isa pang kuwento ni Coco ay talagang na-curious ang lahat dahil naghubad pala siya sa pelikula. Nagkapalit daw kasi ng papel sina Coco at Toni sa pelikula at dahil boss na ang aktor kaya kailangan niyang magdamit ng magaganda at binilhan siya ng aktres.

Pinagbihis daw siya sa kotse habang nagda-drive si Toni na nahihiya siya dahil sa harap nga naman ng ikakasal niya gagawin ito, pero kakaiba raw ang karisma ni direk Antoinette kaya napasunod siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabay hirit ni Toni, “Wala kasi akong bachelorette party kaya siya (Coco) na lang ang gumawa no’n.” At dahil kailangang bumalik na sa shooting ang dalawang bida ng “You’re My Boss” kaya hindi na namin sila na-one-on-one pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending