Resbak ng mga OFW kay Nora: Ikaw ba may nagawa? Manahimik ka nga!
Patuloy naman ang pamba-bash ng netizens kay Superstar Nora Aunor dahil sa pagsali nito sa ‘Resign Pinoy’. Kahapon nagbigay kami ng isang sampol ng komento mula sa isang OFW na galit na galit kay Ate Guy.
Narito pa ang ilan sa mga nakuha naming reaksiyon laban sa Superstar na sinabihan ding may hidden agenda sa pagmamartsa para mapababa sa pwesto ang pangulo.
Sabi ng isang netizen, “After sagutin ni Kris Aquino and Boy Abunda ang pagpapa-opera mo sa US this year o kung kelanman ‘yun, ganyan pa gagawin mo? Sana tumahimik kana lang at kahit hindi si PNoy ang Presidente, sadyang maraming walang trabaho sa ‘Pinas at maraming tamad. Gusto laging asa sa gobyerno!”
Mula naman kay Mary Vina Sanggalang Alorro, “Di ka yata nag-iisip Nora kung mapatalsik c PNoy c Binay na ang papalit, e, di mas lalong di uunlad ang ‘Pinas dahil mas corrupt pa siya eh, isip isip din pag my time.”
Galing naman sa grupo ng Negosyo at Bayanihan, “Matagal ng maraming OFW, hindi pa si PNoy ang nakaupo. Lasing ka na naman!”
Say naman ni Shaeena Garcia Lopez, “Anong ‘yari kay Nora Aunor, pati trabaho ke PNnoy sinisisi? Am OFW pero I never put into my mind to blame PNoy for no job vacancies in Philippines kasi the truth is over population na ‘Pinas kaya dami walang work plus the fact of corruption that cause of poverty in our country.”
Ayon naman kay CJ Sebute, “Ako OFW Ms Nora, sa tingin mo may isang taong tatayo sa ‘Pinas para bigyan kaming lahat ng trabaho diyan? Ikaw satsat ka ng satsat kaya mo ba? Binayaran ka ba para mangggulo o nagpasikat kalang? May nagawa ka ba sa aming mga OFW? Manahimik ka nalang Ms Nora.”
Ano nga ba nangyari kay Ate Guy, saan siya humuhugot ng galit niya kay P-Noy? Hindi kaya totoong pinepersonal na niya si P-Noy dahil sa di pagbibigay sa kanya ng National Artist award?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.