Ibinenta ko na pati kaluluwa ko! Hubad kung hubad!—Coco | Bandera

Ibinenta ko na pati kaluluwa ko! Hubad kung hubad!—Coco

Reggee Bonoan - March 20, 2015 - 03:00 AM

COCO MARTIN AT TONI GONZAGA

COCO MARTIN AT TONI GONZAGA

“IBINENTA ko na pati ang kaluluwa ko!” Ito ang natatawang pahayag ni Coco Martin nang tanungin kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para sa kauna-unahang pelikula nila ni Toni Gonzaga na “You’re My Boss”.

Nagsimula ang usapin ng “bentahan ng kaluluwa” nang mauwi ang pagtatanong sa kissing scene nina Coco at Toni sa ginanap na presscon ng pelikula, inusisa si Coco kung nagpaalam pa ba siya kay direk Paul Soriano para sa intimate scenes nila ni Toni, alam naman kasi ng lahat na malapit nang ikasal ang dalawa.

“Honestly, hindi na. Ako naman, as an actor, alam ko yung limitation ko. Sabi ko nga, hindi ko na kailangang tanungin dahil alam ko namang direktor si Direk Paul, kumbaga sobrang alam na niya iyan.

“And si Toni naman, alam niya yung kaya niyang ibigay, at ibibigay niya. Si Toni, napakataas ng pagtingin niya sa trabaho niya…kung ano yung kinakailangan, hindi siya magdadalawang-isip kung ibibigay niya ba ito o hindi. Kumbaga, as an actor, nagkakaintindihan na po kami,” esplika ng aktor.

“‘Tapos sabi ni Direk (Antoinette Jadaone), ‘Tanggalin mo iyang t-shirt mo. Tanggalin mo pants mo.’ Kasi ‘pag ipinakita sa iyong tao na ‘Ako ang bahala sa iyo, alam ko ang ginagawa ko, magtiwala ka sa akin,’ talagang ibibigay mo lahat.

“Alam mong poprotektahan ka nung tao, kaya alang-alang sa project na ito, ibinenta ko na lahat ng kaluluwa ko. Pag sinabing hubad, hubad talaga. Pero enjoy, kasi first time kong makagawa ng ganitong klaseng pelikula at ibibigay ko lahat para dito,” paliwanag ng Teleserye King.

Hiningan naman ng reaksiyon si Toni sa mga sinabi ni Coco, “Sa ngayon, sa takbo ng mga shooting namin, wala pa kaming nakunan na may kissing scene. E, may last remaining days kami, doon magkakaalaman kung magdadampi ang mga labi. Pero sa ngayon po, wala pa po kaming nakunan.”

Walang problema kay Toni kung magkaroon man sila ng kissing scene ni Coco, “Siyempre po…ang lahat naman po iyan, nasa takbo ng istorya.Hindi naman po puwede yung basta mag-uusap lang kami ‘tapos basta na lang kami naghalikan.

“Baka po doon magtaka si Direk Paul, ‘E, bakit bigla namang nagkaroon ng laplapan doon? Nakakainis naman ang eksenang iyan, oo!’” natatawang sabi ni Toni.

“Pero kung halimbawa towards the end, e, ma-in love sila at kinakailangan talaga na i-kiss, maiintindihan na ni Direk Paul iyon. Pero sa ngayon po, wala pa po kami sa direksiyong iyon.”

Tsikang biro pa ni Toni, “Siguro po ‘pag nag-last shooting day na, malapit na po. Mamaya po, last shooting day na, magdadampian na ng mga labi.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na sa April 4 ang “You’re My Boss” under Star Cinema.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending