Niño mas lalo pang yayaman dahil kay Alonzo | Bandera

Niño mas lalo pang yayaman dahil kay Alonzo

Reggee Bonoan - March 19, 2015 - 02:00 AM

nino muchlach
KALIWA’T kanan ang naririnig naming papuri kay Alonzo Muhlach sa pilot episode pa lang ng Inday Bote noong Lunes, ayon sa mga nakanood ang galing-galing daw ng bagets.

Kuwento mismo sa amin ni Sylvia Sanchez, “Tinutukan ko talaga ang Inday Bote, ang ganda, ang galing ng anak ni Niño (Muhlach), ang galing sobra, mas madaldal ito at mas witty, si Niño kasi noong araw, medyo mahiyain pa, ito may dating at magaling umarte.

“Siya (Alonzo) ang nagdala sa una at ikalawang araw, base sa napanood ko, magagaling sina Nikki (Valdez) Smokey (Manaloto) at ‘yung ibang kasama, pero iba talaga si Alonzo, sobrang bibo at sosyal kasi Inglesero.

Pustahan tayo, yayaman ng husto diyan si Niño. Nakuha niya ‘yung cuteness ng tatay niya, pero sana lumaki siya,” mahabang komento ni Ibyang.

Hirit namin hindi lang si Niño ang yayaman, kasama na ang manager dahil tiyak na kaliwa’t kanan ang magiging projects.
Nabanggit din ng katotong Jobert Sucaldito na nabasa nga raw niya na sobrang professional si Alonzo dahil kung ano ‘yung sinaulo niyang script ay ayaw niyang nababago, nagagalit pa raw ang bata kapag hindi sunud-sunod ang kuha.

Samantala, hinahanap naman ng netizens si Alex Gonzaga bilang si Inday Bote, “Sa Friday pa siya lalabas,” say ng taga-ABS-CBN. Sabi pa ng isang katoto, “Dapat mataas ang rating paglabas ni Alex, kasi ang taas nu’ng si Alonzo pa lang, eh.”

Oo nga, pressure naman ito para kay Alex na kailangan talunin ang ratings ng pilot episode ng Inday Bote kung saan si Alonzo pa lang ang ipinakita sa istorya.

Samantala, anong nangyayari bakit parang hindi namin nakikitang nagpo-promote si Alex ng “The Unexpected Concert” niya sa mga programa ng ABS-CBN? Di ba malapit na ito bossing Ervin (sa Abril 25 na)?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending