Toni, Paul wala munang honeymon pagkatapos ng kasal | Bandera

Toni, Paul wala munang honeymon pagkatapos ng kasal

Reggee Bonoan - March 18, 2015 - 02:00 AM

paul soriano

HAYAN bossing Ervin, may nakuha ulit kaming impormasyon tungkol sa nalalapit na kasal nina direk Paul Soriano at Toni Gonzaga sa Hunyo 12 ngayong taon.

Hanggang ngayon ay hindi pa alam ng aming kausap na malapit sa ikakasal kung saan ang venue ng reception kasi hindi pa raw final ang unang napag-usapan.

Pero ang sinigurado ng aming kausap ay ipinamahala na raw nina direk Paul at Toni kay Chef Jessie ng Rockwell Club, Le Souffle, Revolving Restaurant sa Eastwood City ang tungkol sa reception, pati ang magiging menu.

Nabanggit din na walang alam ang magulang ni Toni sa ibang detalye ng kasal dahil totally in-out nila si Mommy Pinty Gonzaga sa preparasyon, “Actually, Reggee, maski na busy si Toni sila ni direk Paul ang nag-aasikaso ng kasal nila, hindi nila in-involve ang pamilya nila, pati nga mommy niya walang alam.

“Alam mo ba na supposedly kasama si Mommy Pinty sa Hongkong para magsukat ng isusuot niya sa kasal, hindi nakasama kasi may lakad yata kaya si Alex ang nakasama ni Toni,” sabi sa amin ng taong malapit kina direk Paul at Toni.

Kaya pala confident ang kapatid ni Toni na ikuwento sa amin na si Vera Wang ang gagawa ng wedding gown ng ate niya kasi kasama pala siyang lumipad ng Hongkong, “Oo ganu’n nga. Kaya ang ending, pinasukatan na lang si Mommy Pinty kasi hindi naman siya nakapunta.

“Muntik pa ngang hindi matuloy si Vera Wang kasi nga six months pala ang reservation doon, tapos nag-email at nagpakilala si Toni kung sino siya kasi may nagustuhan siyang wedding gown, tapos sinagot naman siya ni Vera Wang na, okay we’ll consider that”, tapos in three months nga matatapos lahat.”

Bakit si Vera Wang ang gusto ni Toni, e, ang dami-daming sikat at magagaling na designer dito sa Pilipinas? “Ha-hahaha! Natanong din ‘yan kay Toni bakit si Vera Wang ang sabi niya, ‘halos lahat nasubukan ko na, nagamit ko na lahat ng gowns nila sa mga shows ko, concerts, special occasions, e, gusto ko namang masubukan ang iba sa kasal ko, may punto rin naman.

Saka matagal na siyang nagtitingin sa internet at may nagustuhan nga siyang gown ni Vera Wang kaya ganu’n,” paliwanag sa amin.Sobrang ngarag na si Toni dahil wala ng tatlong buwan ang kasal pero heto at lagare pa siya sa shooting ng pelikula nila ni Coco Martin na “You’re My Boss” na nag-presscon kagabi.

In fairness, may sagot din ang aming kausap tungkol dito, “not sure ha, pero alam ko tinanggap yang offer na ‘yan ng January, 2015 kasi nga May 13 daw ang playdate.

“Nag-umpisa ‘yan kay Kris (Aquino), biniro yata ni Kris si Toni na may gagawin daw silang movie, e, sabi ni Toni, ‘wala akong alam, wala namang offer pa, sabi ni Kris, ‘so tatanggihan mo si Coco?’

“Sabi ni Toni, ‘ay hindi kasi gusto nga niyang makasama rin si Coco, tapos nagtanong yata si Toni kay mommy Pinty kung may offer sa kanya at sabi nga wala rin.

Tapos nag-offer na nga at si Toni na mismo ang nag-conceptualize ng kuwento ng movie nila ni Coco at ikinuwento niya ito sa Star Cinema at nagustuhan, so okay na, sabi magsu-shoot sila agad,” sabi pa.

Pagkatapos ba ng kasal sa Hunyo ay diretso honeymoon na sina Paul at Toni at saan? “Isang linggo lang yata magbabakasyon si Toni, tapos tatapusin niya muna lahat ng commitments niya.

“Gusto kasi niya out of the country at magtatagal sila like two months or more kasi first time nila ni direk Paul na lumabas ng bansa dahil simula naman ng maging magdyowa sila ay hindi naman sila nakapag out-of-the-country na sila lang hindi sila pinapayagan nina mommy Pinty at daddy Carlito niya,” pagtatapat sa amin.

Sa madaling salita, walang honeymoon muna at balita namin ay may seryeng gagawin si Toni ng Hulyo? Baka kaya gusto ng dalawa na magbakasyon ng matagal para makabuo agad ng baby? He-hehehe!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, may nagkuwento naman na magpapagawa palang ng bahay sina direk Paul at Toni pagkatapos ng kasal, pero may nabili naman daw silang condo sa McKinley Hills sa The Fort na sobrang laki.

“Hindi ko alam, pero ang alam ko, may condo na nabili sina direk Paul at Toni sa may McKinley Hills sa The Fort, so siguro roon. Not sure pa rin kasi parang ayaw ng daddy ni Toni kasi nga malayo at dadalawa lang sila, e, hindi naman puwedeng magkaroon ng kasama kasi condo ‘yun,” pambubuking sa amin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending