Beauty namanata sa Nazareno kaya nakatambal si Zanjoe sa Dream Dad | Bandera

Beauty namanata sa Nazareno kaya nakatambal si Zanjoe sa Dream Dad

Reggee Bonoan |March 15,2015
facebook
share this

Beauty namanata sa Nazareno kaya nakatambal si Zanjoe sa Dream Dad

Reggee Bonoan - March 15, 2015 - 02:00 AM

zanjoe marudo

“THANK you Dream Dad, thank you to GMO unit (Ginny M. Ocampo) thank you ABS-CBN for making my dreams come true! And thank you Zanjoe (Marudo) for helping me!”

Ito ang naiiyak na sabi ni Beauty Gonzales sa ginanap na presscon ng kanilang serye na kasalukuyang number one ngayon sa Primetime.

Ayon sa dating housemate ni Kuya sa PBB, hindi niya akalain na magiging leading lady siya ni Zanjoe sa Dream Dad dahil ang alam lang niya ay forever side kick o bestfriend na lang siya ng bida sa mga serye at pelikula, at support na lang siya for life.

“Nu’ng una hindi ako makapaniwala na leading lady na ako. Nu’ng i-pitch nga ito sa akin, sabi leading lady, nu’ng una hindi ko pa agad nakuha, wala akong reaksyon, tapos nu’ng nag sink in na, doon ko lang naisip na, totoo ba?

“Kasi talagang pangarap ko ito, namanata talaga ako kay Nazareno na sana magkaroon ako ng leading lady role, at heto nga, kaya sobrang nagpapasalamat talaga ako sa Dream Dad, sa ABS-CBN kasi tinupad nila ang pangarap ko.

Thank you for believing in me,” paliwanag ng aktres. Hindi naman itinanggi ni Beauty na kapag may eksena sila ni Zanjoe sa Dream Dad ay kinikilig siya, “Oo, nakakakilig naman siya kasi ang guwapo niya at saka kapag tumititig na, sabi ko nga, ‘Zanjoe, ‘wag ka nga tumititig…’ pero puro biruan lang naman yun‘.

Hindi ano (type), kaibigan lang, kami,” biglang bawi ng aktres.May non-showbiz boyfriend ngayon si Beauty at aminado siyang malaki ang agwat ng edad sa kanya pero ayaw na niyang sabihin kung ilang taon ito, “Bagsak ako sa Math, hindi ko alam magkuwenta,” birong sagot niya nang tanungin namin kung ilang taon ang agwat ng guy sa edad niya.

Isang art collector ang boyfriend ni Beauty at natatawa kami sa kuwento niya dahil, “Wala akong alam sa art, malay ko kung ano ‘yun, basta magaganda naman lahat ng paintings niya.”

Ang gustung-gusto raw ni Beauty sa boyfriend niyang may edad na ngayon ay, “Very supportive, sobra niya akong bine-baby, hindi seloso, walang isyu sa amin, simpleng buhay lang, both family namin ay okay, kaya saya-sayahan lang,” kuwento ng aktres.

Inamin ni Beauty na kung siya ang masusunod ay ang kasalukuyang boyfriend na niya ang makatuluyan niya dahil swak ang ugali nila at nakita niyang magiging dream dad din ito.

“Walang pressure sa amin, ako ang magsasabi kung kailan ako ready (mag-asawa), sa nakikita ko, I’m 24, siguro six more years, at maghihintay naman siya sabi niya, pag hindi lagot siya sa akin. Ha-hahaha!” birong sabi ni Beauty.

Lesson learned ay ayaw na niyang magkaroon ng boyfriend na kasing edad niya dahil, “Kasi hindi kami magkasundo, pareho kaming matigas ang ulo at sinungaling.”

As of now ay anim na buwan palang magkarelasyon si Beauty at ang non-showbiz boyfriend niya going strong and still counting.

Samantala, extended ang seryeng Dream Dad kaya naman nagbubunyi ang buong cast sa pangunguna nga nina Beauty at Zanjoe, kasama sina Ketchup Eusebio, Katya Santos at Jana “Baby” Agoncillo na present din sa thanksgiving presscon ng serye.

Nagsimula ang Dream Dad noong Nob. 24, 2014 at hanggang Mayo lang sana ito, pero dahil sa sobrang taas ng rating ng programa ay nagdesisyon ang management na i-extend ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pahayag ng production manager na si Ellen Criste, “We were told na mae-extend kami pero wala pang definite date kung kailan.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending