Aiko: Ayoko munang mag-politika, aarte na lang ako!
Bongga si Aiko Melendez dahil nasungkit niya ang best actress trophy sa nakaraang 7th International Filmmaker Festival of World Cinema for Foreign Language Film na ginanap sa London, England para sa pelikulang “Asintado”.
Hindi personal na natanggap ng aktres ang tropeo dahil may taping siya ng Inday Bote mula sa Dreamscape Entertainment na pinangungunahan nina Alex Gonzaga, Kean Cipriano at Matteo Guidicelli na mapapanood na sa Marso 16, Lunes.
Hindi namin alam kung seryoso si Aiko sa sinabi niyang dala-dala raw niya ang tropeo maski saan siya mapunta dahil sa sobrang tuwa, “Talagang sobrang flattering at talagang masayang-masaya ako. God loves me talaga,” pahayag ni Aiko.
At dahil sa award na ito ay magiging mapili na ba ang aktres sa mga offer sa kanya, “After ng Maalaala Mo Kaya win ko, naging mas mapili na ako sa mga roles na ginagawa ko, and siguro ngayon, mas magiging mapili at mas magiging ano ba ang word na tamang gamitin?
“Hindi naman meticulous pero mas ‘yung gagawin ko na talaga ang gusto kong gawin kaysa ‘yung gagawin mo lang just for the heck of parang makita lang nila na nakabalik ka sa show business.
“Ngayon, mas de kalidad ang gagawin kong pelikula and hopefully, sa TV din. Eto, inumpisahan na nga ng Inday Bote, hindi naman ako mapapahiya na ang unang soap ko for this year ay Inday Bote kasi pag pinanood n’yo, sa effect pa lang, ginastusan talaga, at ‘yung istorya namin, ang ‘yung role ko rito, kakaiba,” katwiran ng aktres.
Paano naman ikukumpara ni Aiko sina Alex at Maricel Soriano na unang gumanap sa pelikulang “Inday Bote”, “Iba ‘yung treatment na ginawa ng Dreamscape, dahil ayaw namin na may masasabi ‘yung manonood na, ‘Ay bat ganu’n, mas magaling yung ganu’n or mas pinaganda’.
Sa amin po is ‘yung istorya namin, and si Alex talaga ang bagay dito sa Inday Bote. “With due respect to Inay Marya, siyempre, iba pa rin ang original pero iba rin ang atakeng ginawa namin dito,” paliwanag ng aktres.
At dahil aktibo sa kanyang showbiz career si Aiko ay isinasantabi na ba niya ang politika? Matatandaang ilang taon din naging konsehal ng 2nd district ng Quezon City ang aktres kaya siya nawala pansamantala sa showbiz, “Wala pa po sa plano ko but if I’m ever to base my decision today, I’m not going to run.
Kasi nga, madami pong projects na nakalinya sa akin ngayon na I might be unfair naman on politics that my time would be away from them.
“And I’m someone kasi na if I put my heart and soul into it, I give my hundred percent time eh, baka this year, hindi ko po mabigay ‘yun, so focus muna sa pag-aartista,” ani Aiko.
Kasama rin sa Inday Bote sina Alonzo Muhlach, Nikki Valdez, Smokey Manaloto, Alicia Alonzo, Malou Crisologo, Jeffrey Santos, Nanding Josef, Alora Sasam, Biboy Ramirez, Izzy Canillo mula sa direksyon nina Malu Sevilla at Jon Villarin handog ng Dreamscape Entertainment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.