Sharon: My God! Ang babastos ng mga batang ito!
SA ginanap na solo presscon ni Sharon Cuneta sa ABS-CBN noong Lunes ay natanong siya kung kumusta na ang estado niya sa TV5 pagkatapos ng Q and A, pero nakiusap siya na huwag ng pag-usapan out of respect na sinunod naman ng entertainment press.
Mukhang malinis naman ang pag-alis na ni Sharon sa nabanggit ng TV network dahil maski na hanggang 2016 pa ang kontrata niya ay considered null and void na ito dahil base sa terminong ginamit ng executive ng TV5 ay, “rescinding of contract.”
Nang matapos kasi ang comedy serye ni Shawie na Madam Chairman sa Kapatid network noong Peb. 28, 2014 ay hindi na siya binigyan ng bagong programa at hindi na rin siya naging visible sa anumang palabas ng TV5.
Pagkalipas ng isang taon ay bumalik sa ABS-CBN ang Megastar at pumirma na nga siya ng kontrata kasama ang bago niyang manager na si Sandra Chavez.
May nagtanong kung nagsisi ba si Sharon sa paglipat niya sa TV5, “I can’t say I regret a hundred percent because I made friends in the other station, I was able to do comedy and I met fun loving co-stars. Pero I was a fish out of water.
Tapos parang pagpasok ko kanina dito, I’m breathing again normally parang nakauwi ka na, naka-kahinga ka na ulit.”
At tungkol naman sa pagbabalik niya sa pag-arte, “I see myself doing a teleserye.
At this point, I am in the best hand I’ve ever been in. I’m excited to be doing so many other things. I wanna do acting, singing, whatever else I haven’t done on TV. Remember, I still haven’t done a drama series.
That is my thing,” pahayag ni Shawie. At hindi na namimili ngayon si Shawie ng makakasama sa mga project niya, “Lahat sila welcome. Gusto ko lang ipaalam na kung hindi po natuloy, sila ang umayaw!” sabi pa. At sa tanong kung type niyang makasama sa iisang project ang mag-ama niyang sina Gabby at KC Concepcion.
“You know, at this point, I feel like I’m open to anything. I’m open to work with anyone, with KC, former leading men, ex-husband. At this point, I’m very open to anything.
But I think, for my first teleserye, I’m not so excited for a love team muna or something with my daughter. Parang it will all come later, parang let’s try to come back muna,” ani Mega.
Pati ang singing career ni Sharon ay bubuhayin niya. “I might produce my albums. So my children can own some of these also. Dahil 40 years wala akong pag-aari sa kahit anong nagawa ko! It will be released hopefully by Star Records or another company,” kuwento ni Mega.
At kung dati ay pikon siya sa mga basher niya sa social media, hindi na raw ngayon. Kaya siya aktibo sa social media ay para, “well, to keep in touch din with my supporters. I’d still be the same.
“Actually, what happened then is na-shock ako, eh. Ganito ba ang mga bata ngayon? Yung walang respeto. So pagdating sa Twitter, ko, ‘My God! Ang mga batang ito ang babastos! So para kang mommy na gusto mong paluin, eh, you can’t win so I chose na lang to focus on those who love me talaga and supporting me.
“The things huwag mo na lang basahin lahat! You can’t please everybody but I am better to express myself sa Facebook page. Kasi nakaka-type ka ng mahaba, nakakakita ka ng reaction.
Tapos pag may nakita kang masakit, yung merong nanggugulo, delete! Ha-hahaha! I’m not proud of that thing pero tao lang.”
Umabot na pala sa 40 lbs. ang nabawas kay Sharon.
Natawang kuwento nito, “you cannot believe how big I became especially after nu’ng mawala ang taping, yung wala nang (work), I had no work, so yung kulang na lang hanapin ko si Kiko (Pangilinan) kasi baka nalunok ko na.”
As of now ay kailangan pa rin niyang magbawas ng 15 lbs. para sa ideal weight niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.