Daniel ayaw na ayaw pag-usapan ang tungkol sa Sex
Sa nakaraang presscon ng Your Face Sounds Familiar ay nabanggit namin kay Karla Estrada na marami ang pumupuri sa kanya bilang ina ni Daniel Padilla dahil sa magandang pagpapalaki nito sa binata.
Maski kasi sikat na ang batang aktor ay nananatili pa rin itong humble, marespeto at higit sa lahat hindi nakakalimot sa mga taong nakasama niya noong nagsisimula palang siya, kabilang na ang mga miyembro ng entertainment press.
Napangiti naman ang proud mama ni DJ sabay sabing, “Punumpuno ng guidance yun. Everytime na meron kaming pagkakataon, ang style ko kasi, inuupo ko ‘yan sa kuwarto.
Du’n ko sinasabi lahat, walang edit-edit. Lahat ‘yan, ‘Alam mo kung saan ka mapupunta, anong paglalagyan mo, ‘eto ang katotohanan, ‘eto ang hindi.”
Natanong din si Karla kung kasama ang pre-marital sex sa payo niya, “Siyempre, open kami. Tapos tatayuan ka na niya, aalis siya, mabubuwisit siya, nahihiya siya, e.
“Sinasabi ko, ‘yung totoo na ang panandaliang kaligayahan ay nagiging taon o habang panahon na pagsisisihan mo. So, lagi kang mag-iingat.’ Tapos sasabihin niya, ‘Ma, ano ba ‘yan!’ ‘Tapos tatakbo na ‘yan.
Ayaw niya ‘yun. Pero kasi, pinangungunahan ko,” pambubuko ng aktres na nagsabi ngang naniniwala siya na virgin pa rin si DJ.Pero hindi inaalis ni Karla na lalaki ang anak niya pero kilala raw niya. “I know my son very well.
Hindi siya santo. Huwag natin isipin na ganu’n. Pero ako, sinasabi ko, he’s very conservative,” ani Karla. Magdyowa na ba sina Daniel at Kathryn Bernardo? “Ibibigay ko na sa dalawa yan.
Fourteen years old pa lang, magkaibigan na sila. So, kung anuman ang desisyon nila ngayong 19 na sila pareho, malamang kaya na nilang sagutin yun.
“Bilang ina, sa nakikita ko, mas malalim ang pagkakaibigan. Du’n sa pagkakaibigan higit pa, mas ‘di yun maarok. Parang mas mawiwindang ‘yung pagsasama kapag nahaluan ng (relasyon) kaya mas pinalalim yung friendship.
Actually yun, e, kasi naghilahan pataas, e.” Ikaw bossing Ervin, ano sa palagay mo? (Feeling ko matagal na silang magdyowa, pero maraming dapat isaalang-alang, kabilang na diyan ang pagiging Iglesia ni Kristo ni Kath, di ba? – Ed)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.