GABBY KAY ALBIE: DI NANGHIHINGI NG SUSTENTO SI ANDI SA KANYA KAYA BAKIT PA DUMADAKDAK? | Bandera

GABBY KAY ALBIE: DI NANGHIHINGI NG SUSTENTO SI ANDI SA KANYA KAYA BAKIT PA DUMADAKDAK?

Reggee Bonoan - March 08, 2015 - 02:00 AM

gabby eigenmann
DAHIL sa mga bagong TV project sa GMA 7 ni Gabby Eigenmann na Pari ‘Koy at Insta Dad ay hindi sila matutuloy magbakasyon ng pamilya niya sa labas ng bansa.

Kuwento ni Gabby, “Taun-taon kasi we travel with my family at si Andi (Eigenmann) kasama si Ellie gustong sumama rin, e, kaso may bagong project, so hindi kami matutuloy this summer.

Bakasyon pa naman sana ng mga bata sa school.”Kaya kung hindi magbabago ay sa Nobyembre na lang sila magbabakasyon, itataon sa semestral break.

Nabanggit namin sa aktor ang bansang Korea kaya biglang naging interesado ang aktor, “Actually, hindi pa kami nakakapunta, okay ba ro’n, maganda?” tanong ni Gabby.

Nagpakuwento siya sa amin kung mura at saan ang hotel namin sa Korea nang magpunta kami nitong Enero at binanggit naming sa bahay kami tumira dahil mas mura at mas maganda, walong araw kaming nag-stay sa Korea.

“Nasanay kasi kami na five days lang, at sa sinabi mong eight days kayo, gusto ko ‘yan and you cook your own food, that’s nice, makakatipid,” nakangiting sabi ni Gabby sabay sabi sa asawang si Apple na mag-check na ng promo fair at bahay na titirhan nila sa Korea.

Nabanggit din lang ni Gabby si Andi ay tinanong namin kung talagang sumasama siya sa lakad nilang pamilya kapag nagbabakasyon sa ibang bansa, “Ngayon lang, gusto raw niya, e, di sabi ko, okay, ako naman everybody’s welcome at saka ako kasi ang kuya ng lahat, so talagang they all come to me.”

Bilang pinakamatanda sa magpipinsan ay siya raw ang hinihingan parati ng advice, “ay madalas, parati, now kung ayaw nilang sundin, bahala sila, ako naman nagbibigay lang. ‘Yun lang naman ang puwede kong itulong, saka malalaki na sila, alam na nila ang tama at mali.”

Nabanggit ng kontrabida ni Dingdong Dantes sa Pari ‘Koy na naiirita siya kapag hindi siya sinusunod ng mga kapatid at pinsan niya, “Hindi maiiwasan na maiinis ka, pero nandidiyan na ‘yan, at the end of the day, sila rin naman ang may final say. Basta ako, nandito lang bilang kuya nila,” pahayag pa ng aktor.

Ano naman ang masasabi ni Gabby sa lumutang na isyung si Jake Ejercito raw ang tunay na tatay ni Ellie at hindi si Albie Casino? “To tell you honestly, hindi namin napag-uusapan o hindi kami nagtatanong, saka does it matter pa ba after all these years? Hindi naman nanghingi si Andi ng sustento kay Albie, so, bakit siya nagsasalita?

“Kaming pamilya ang nagsabing huwag nang ipa-DNA, para saan pa, e, hindi nga niya in-admit? Ang akin lang, spare the kid, manahimik na lang lahat, walang muwang ‘yung bata,” pahayag ng aktor.

Si Jake nga ba ang tatay? “Hindi napag-uusapan ng pamilya at wala kaming planong magtanong at masaya kami for Andi and Ellie now,” say ni Gabby.

Tungkol naman kay Brent Jackson na isa rin sa nali-link kay Andi pero mabilis kaming sinagot ni Gabby ng, “no further explanation needed.”

Mas type ni Gabby si Jake? “Si Jake, okay sa akin. You know why? Because may respeto ‘yung tao, mabait. Mas ano siya. . . alam niya kung saan siya. He would go out of his way to greet us, to show himself.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maganda ‘yung upbringing sa kanya. Matinong tao. I have no ill words to say.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending