Pagmamalaki ni Karla Estrada: Daniel virgin pa | Bandera

Pagmamalaki ni Karla Estrada: Daniel virgin pa

|March 06,2015
facebook
share this

Pagmamalaki ni Karla Estrada: Daniel virgin pa

- March 06, 2015 - 02:43 PM

daniel padilla

DIRETSAHANG sinagot ni Karla Estrada ang tanong ng ilang miyembro ng entertainment press kung virgin pa ba ang anak niyang si Daniel Padilla.

Pagkatapos ng presscon ng bagong reality show ng ABS-CBN, ang Your Face Sounds Familiar kung saan isa sa mga contenders si Karla na magpapakita ng kanyang galing sa pag-i-impersonate, kinorner na siya ng ilang reporters. Siyempre, unang tinanong sa kanya ang tungkol sa mga issue ng kanyang anak na si Daniel at sa ka-loveteam nitong si Kathryn Bernardo. Isa nga sa mga inusisa sa kanya ay kung may karanasan na sa sex ang kanyang anak. “Hindi ako para sumagot noon. Pero I would like to think, yes,” sey ni Karla. Aniya, hindi siya nagkukulang ng mga paalala kay Daniel tungkol sa mga sensitibong usapin, kabilang na ang pre-marital sex. “Sinasabi ko ang totoo na, ‘Ang panandaliang kaligayahan ay habang buhay na pagsisisihan mo. So lagi kang mag-iingat. ‘Ma, ano ba yan?’ Tapos tatakbo na ‘yan. Ayaw niya yung ganung usapan,” kuwento pa ni Karla. Hirit pa nito, “But I know my son very well. Hindi siya santo. Pero ako sinasabi ko he is very conservative.” Hindi rin naniniwala ang singer-actress na “namana” ni Daniel ang playboy image ng mga Padilla. “Lahat naman ng lalaki ay mahilig sa magagandang babae, hindi ba? So wala po sa apelyido ‘yan. Nagkataon lang na nakikita natin sa pelikula at naisusulat dahil sila nga nasa pinilakang tabing, sila ang napag-uusapan. Pero hindi lang Padilla, ang dami natin diyan,” paliwanag pa ni Karla.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending