Direktor natulala sa paggiling ni Maja bilang sexy star dancer | Bandera

Direktor natulala sa paggiling ni Maja bilang sexy star dancer

Reggee Bonoan |March 04,2015
facebook
share this

Direktor natulala sa paggiling ni Maja bilang sexy star dancer

Reggee Bonoan - March 04, 2015 - 02:00 AM

maja salvador
DIRETSONG inamin ng direktor ng bagong serye ng ABS-CBN na Bridges Of Love na natulala siya sa galing ni Maja Salvador sa paggiling habang kinukunan ang ilang eksena nito bilang isang star dancer sa club.

“Ako talaga gusto kong maka-shoot ng isang artista na sumasayaw on stage, I think dreak come true ‘yun, especially si Maja, sa totoo lang, sinyut ko ‘yun, pati ako hindi na ako nakasigaw ng ‘cut!’ Natulala ako!” kuwento ni direk Richard Somes tungkol kay Maja.

“Hindi dahil sa sexiness niya kundi na-deliver niya, and I chose the music and pa-replay pa no’n, so parang personal ‘yung music na pin-play ko sa kanya and I think one thing na masasabi ko kay Maja, she really rocks!” papuri pa ni direk Richard kay Maja sa mga ginawa nitong eksena sa Bridges of Love na mapapanood na sa Marso 16 handog ng Star TV.

Hindi naman itinanggi ni Maja na talagang naasiwa siya sa mga eksenang kinunan sa isang bar dahil nga kailangan niya ritong magpa-sexy, dapat daw maniwala ang mga tao na isa siyang star dancer para lahat ng lalaking nanonood sa kanya ay maakit.

Hindi nga halos makapagsalita ang aktres nang ipalarawan sa kanya ng entertainment press kung anong klase ang ginawa niyang pagsasayaw at kung gaano ka-daring ito.

“Star dancer ka nga kasi, so siyempre kailangan talaga daring, naka-sexy shorts ako, ‘yun lang ang kaya kong gawin, pag star dancer ka, iba ‘yung suot nila (skimpy bikini), hindi ko kaya ‘yun, so hanggang shorts lang ako,” say ni Maja.

Gusto nga raw manood ng aktres sa mga night club tulad ng Pegasus para manood kung paano ang mga production numbers ng mga babae toon, pero ang mismong make-up artist niya ang nagsabing huwag na lang dahil baka pagkaguluhan siya.

Pero ahil naging dancer naman ang nasabing make-up artist sa nasabing club ay siya na lang ang nagturo kung ano ang gagawin ni Maja.

“Nagtanong ako sa kanya (make-up artist) kung paano ‘yung tamang sayaw, paano ‘yung kilos at galaw, kasi ‘yung pagsasayaw, given na, alam ko na inisip ko na ganu’n nagawa ko naman,” say pa ng girlfriend ni Gerald Anderson.

Base sa trailer na napanood namin na ipinalabas bago magsimula ang presscon ay talagang gandang-ganda ang lahat kay Maja, bagay na bagay daw sa dalaga ang gumigiling-giling.

Di ba nga bossing Ervin karamihan sa mga lalaki kaya nangangaliwa ay dahil hindi sila sinasayawan ng mga asawa nila. At dito pumapasok ang pagpunta-punta nila sa mga club at doon nila nakikilala ang nagiging mga kabit nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya para matulala rin tulad ni direk Richard, abangan ang mga eksena ni Maja sa Bridges of Love simula sa Marso 16 pagkatapos ng Forevermore. Makakasama rin niya rito sina Jericho Rosales, Paulo Avelino, Edu Manzano at Carmina Villaroel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending