Kaye Abad: Ok lang sa akin kung mabuntis muna ako bago ikasal!
NILINAW ni Kaye Abad ang isyung buntis siya kaya siya naospital ng isang linggo kamakailan lang.
Napansin din ng entertainment press na hindi mapakali si Kaye habang on-going ang thanksgiving-presscon ng Two Wives nu’ng isang araw, at lagi pa niyang hawak ang kanyang puson.
Kaya agad naming tinanong ang aktres pagkatapos ng question and answer, ang tumatawa niyang sabi, “Hindi, sana nga.
Hindi talaga, severe dysmenorrhea, sobrang sakit nga.”
Nabanggit namin na delikado ang severe dysmenorrhea dahil puwede siyang magkaroon ng myoma, “Oo nga, awa ng Diyos wala naman, pina-check ko na, wala naman, okay naman.”
Kailan ba sila pakakasal ng dyowa niyang si Paul Jake Castillo, “Ay ewan, wala naman, walang napag-uusapan pa,” napangiting sagot ng dalaga.
Hindi naman itinanggi ni Kaye na natagpuan na niya ang “the one” sa buhay niya at si Paul Jake nga raw iyon, “Hindi ko naramdaman sa iba, ngayon lang, ganu’n yata, parang naramdaman ko na handa na ako at may nakita na ako,” sabi ng aktres.
E, si Paul Jake, naramdaman ba na siya na ang babaeng gusto niyang makasama sa buhay, “Ay ewan, ask n’yo siya,” natawang sagot ng isa sa leading lady ni Jason Abalos sa Two Wives na napapanood sa ABS-CBN Primetime Bida.
May edad na si Kaye kaya natanong kung okay lang ba sa kanya na mauna ang baby bago ang kasal, “Ako okay lang, gusto ko, pero kasi ‘yung dalawang kapatid ko, nauna munang magka-baby bago ikasal, so sana gusto kong ibigay sa mama ko na kasal muna bago magka-baby, kung puwede,” sabi ni Kaye.
Samantala, huling dalawang linggo na lang ang Two Wives at hiling ni Kaye na sana’ay tutukan ito ng manonood hanggang ending dahil marami pang mga pasabog na magaganap, lalo na ang patuloy na labanan nila ni Erich Gonzales na sikat na sikat ngayon sa social media dahil sa pagiging kontrabida.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.