James nag-sorry sa press: Mali po ginawa ko!
PORMAL nang inanunsyo ng Dreamscape Entertainment headed by Deo T. Endrinal kahapon ang bagong TV project nina James Reid at Nadine Lustre, ang kauna-unahan nilang teleserye sa ABS-CBN na may titulong On The Wings Of Love.
Masuwerte rin ang JaDine loveteam dahil hindi rin sila nawawalan ng project simula nang maging Kapamilya sila.
Sabi nga ni Nadine sa ginanap na pocket presscon nu’ng isang araw,
“With everything that’s happening until now parang hindi pa ako…parang kulang pa ako sa kurot parang hindi pa nagsi-sink in sa akin ang lahat ng nagyayari but then wala pa im just really thankful kasi ang bilis ng nangyari.”
Sey naman ni James, “It’s hard to digest and to actually realize that we have a full teleserye to ourselves so we feel a lot of pressure but we’re so excited.”
Napi-pressure ba ang JaDine sa expectations ng fans nila, pati na rin ng mga bossing ng ABS? Pahayag ni James, “The fans make it easier for us coz they give us so much support and we’re just even more excited than we really are.”
Dagdag pa ni Nadine, “Ako it’s the excitement mas nananaig yung excitement kesa sa pressure but then its good to feel pressured feeling mo mas matsa-challenge mo ang sarili mo to do better.”
Samantala, hindi maiiwasang hindi ikumpara ang JaDine sa KathNiel tandem, nape-pressure rin ba sila rito? Maagap ang sagot ni James, “It has been like that since the beginning.”
Katwiran naman ni Nadine, “Nag die down na din yung pagko-compare but then ‘yun nga po we’re just really happy na may project kami na were doing well pa rin. Medyo nag die down na din yung issue.”
At dahil nakikitang may ibang kasamang babae si James sa mga party ay natanong kung hindi ba naaapektuhan ang love team nila sa mga tsismis.
Katiwran ng binata, “Well first of all they have these rumors and I mean we try not to let them get to us sometimes it does but I guess we just do our best.”
Aware naman si Nadine kapag nali-link sa ibang babae ang leading man niya. Say ni Nadine, “Since we’re a team nga dapat solid-solid kami but then I’m very confident na kaya niyang lagpasan ‘yung mga challenges na dumarating sa kanya.”
Dagdag naman ni James, “Yeah, well she’s my closest friend sa girls kaya we’re okay.” Samantala, humingi ng dispensa si James sa mga pinost niya sa kanyang Instagram na ikina-offend ng mga tabloid reporters.
Naging isyu kasi ang mga negative statement niya tungkol sa mga manunulat ng tabloid na nagsusulat ng kung anu-ano tungkol sa kanya. Paliwanag ng aktor, “First of all, I want to apologize kung may na-offend sa pinost ko.
Na-realize ko na mali ‘yung ginawa ko. Kaya ko tinanggal but at that time ang daming rumors na kumakalat. “Like sex videos things like that. That was really upset.
My friends, my family my fans they asked me if it’s true and the worst part is I can’t defend myself. I was just really upset. And the way I reacted was wrong I know that.
But I really do appreciate what the press has done for me, it’s bad choice of words I made a mistake. It won’t happen again,” anang binata.
Humanga kami sa pagkakataong ito kay James dahil tinanggap niya ang kanyang pagkakamali at hindi siya nagmalaki pa. Sana lahat ng artistang nagkakamali ay katulad niya na imbes na mangatwiran ay magpakumbaba na lang.
Dahil sa mga isyung ito ay ano naman ang suportang ibinigay ni Nadine. “Sometimes, I give him a pep talk with that naman po kasi na-realize naman niya his mistake, it takes a man to realize his mistake na mag-apologize so when he asks for advice naman kinu-kuwentuhan ko naman siya, nagbibigay naman ako ng advice so ‘yun po,” kuwento ng leading lady ni James.
Sikat na kasi si James kaya nasasabi na niya ang gusto niyang sabihin? Hindi naman sumang-ayon si James dito. Aniya, “Sometimes I forget my position.
But it was never my intention to offend, to people of the press, it’s more of a target at certain people I guess it was wrong choice of words so im sorry for that.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.