Kahit wala akong abs at muscles seksi pa rin naman ako! – Daniel | Bandera

Kahit wala akong abs at muscles seksi pa rin naman ako! – Daniel

Reggee Bonoan - February 14, 2015 - 03:00 AM

daniel padila
IISA ang napansin ng entertainment reporters kay Daniel Padilla sa presscon ng “Crazy Beautiful You” – biglang lumaki ang katawan ng binata.

Actually, nasulat na rin namin ito at binanggit nga namin sa mama niyang si Karla Estrada nang magkita kami ABS-CBN building kamakailan. Kaya tinanong namin kung bakit tumaba si Daniel.

Paliwanag ni Karla sa amin, “Hindi siya tumaba, lumaki lang katawan niya kasi nade-develop na kasi binata na si DJ.”
At sa “Crazy Beautiful You” presscon ay inamin ni Daniel na marami nga raw nakapansin sa pag-iba ng katawan niya.

“Ang daming nagsasabi na tu-maba raw ako? Hindi ako tumaba, guys, ano lang, lumaki. Actually, pinatataba nila ako, kaso nga sumobra lang,” sabay tawa ng binatilyo. Sabi pa nito, “Mas gusto ko na ‘yon kaysa naman noon na mukhang butiki ako,” saka tumawa nang tumawa.

At dahil dito ay tinanong si Daniel kung magpapalaki rin ba siya ng katawan tulad ng ibang kaedad niya, yung may abs at muscles, “Hindi ko pa kailangan. Bata pa ako.

Ako kasi, ayaw ko pa. Hindi naman kailangang magmadali sa mga ganyan. Kahit ano naman…I’m still sexy,” natatawang katwiran ng batang aktor.

Sabay tanong kung may abs na ba siya na kaagad naman niyang sinagot ng, “Wala!” Bata pa nga si Daniel, base na rin sa mga sagot niya at mas lalo na sa kulitan nilang dalawa ng real/reel love team niyang si Kathryn Bernardo sa nasabing presscon.

Akmang-akma sa dalawang bida ang titulo ng pelikula nilang “Crazy Beautiful You” dahil pareho lang silang baliw-baliwan kapag nagbibiruan sila, lalo na kapag wala sila sa harap ng mga camera.

Base kasi sa takbo ng question and answer sa presscon kasama sina Gabby Concepcion, Lorna Tolentino at Inigo Pascual na idinirek ni Mae Cruz-Alviar ay natanong silang lahat kung anong “kabaliwan” o “craziest thing” na nagawa nila sa buhay nila.

Ayon kay Gabby ay halos lahat naman ng umiibig ay dumadaan sa mga ganu’ng stage ng buhay at  inamin niya na halos ganito rin ang nangyari sa kanila noon ng ka-loveteam at ex-wife na si Sharon Cuneta, kaya natutuwa siya kapag nakikita niya sina Daniel at Kathryn.

Hanga siya kina DJ at Kath dahil natural at walang inhibitions sa isa’t isa na parang mga batang naglalaro at nagkukulitan lang pero ang gagaling umarte.

Kuwento nga ni Gabby, “Ituloy lang nila ‘yung natural. Sabagay, lumalabas naman ‘yan on screen, kung ano ‘yung nangyayari sa kanila, nakikita ko naman. Maski ako, kinikilig ako, eh. Fan nila ako.”

Kaya naman natanong si Daniel kung ano naman ang kinababaliwan niya ay para siyang batang tumiklop. “Nakakahiyang sumagot, maraming tao. Nahihiya rin naman ako,” sagot ng binatilyo.

Nahihiya pa ba si Daniel maski matagal na silang magkasama ni Kath? “Oo naman, hindi naman nawawala ‘yun. At saka, talagang mahiyain ako,” mabilis na sabi ng binatilyo.

Nababaliw ba si Daniel kay Kathryn, “Tinagalog mo lang (ang tanong). Oo na, sige na, opo!”

Samantala, naibahagi ng batang aktor na minsan ang mga pinag-uusapan nila ni Kathryn habang isang linggo silang nakatengga sa shooting ng “Crazy Beautiful You” sa Nueva Ecija, “Habang nakasakay po kami, napapaligiran ng bundok, natanong po ni Kathryn, ‘ano kaya, isipin mo, kasing laki natin ang mga bundok?’ bagay na ikinatawa ng entertainment press dahil napatunayan na kung anu-ano lang naman pala ang pinag-uusapan ng dalawa.

Sabay dugtong din ni Kath na, “Nasabi pa po ni DJ na ano kaya sumayaw ang mga bundok sa harap natin.” Samantala, Araw ng mga Puso ngayon kaya’t natanong ang KathNiel kung ano ang gagawin nila at kung saan sila magde-date.

“Lahat kami magtatrabaho, tatapusin muna namin ang pelikulang ito, magda-dubbing pa pala kami,” sabi ni DJ. Ano naman ang regalo nila sa isa’t isa na magkukuwento na sana si DJ pero sinaway siya ni Kath kaya nasabihan ng “ander (de saya)” ang batang aktor ngayon pa lang.

“Siyempre,” sagot ni DJ sabay tanong ng, “Ano ba ‘yung under? Hindi ako under, okay? Ano lang talaga. Alam ni Tito Gabby, naiintindihan ako ni Tito Gabby,” ngiti ng binatilyo.

Kaya’t itinuloy ng batang aktor ang kuwento na nagagalit daw si Kathryn sa regalo. “Bigyan ko naman daw siya ng regalo. Dati kasi, lagi ko siyang binibigyan. Ngayon, hindi ko na siya nabibigyan.

Trabaho, ganyan. Binibigyan ko naman siya ng pagkain,” natawang sabi ng binatilyo. At ang mga hilig naman daw ni Daniel ayon kay Kathryn na pinaririnig nitong gusto habang kausap ang mga kaibigan ay, “Mahilig siya sa shades, mahilig siya sa mga instrument.”

Natatawang katwiran ng aktor, “Hindi, kasi si Kathryn pag kausap ko yung mga barkada ko, naririnig niya. Hindi naman ako nagpaparinig. Nalalaman niya lang.”

Hirit naman ni Kath, “Wala po akong sinasabi na gusto ko. Basta kung may mabigay sa ‘yo ‘yung guy or parang ibigay niya ang oras niya sa ‘yo or anything na anuman, ‘yun naman ang importante sa akin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

O hayan, sa mga nababaliw din sa pag-ibig, palabas na ang “Crazy Beautiful You” sa Peb. 25 handog ng Star Cinema.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending