Iñigo Pascual panggulo sa relasyong Daniel-Kathryn | Bandera

Iñigo Pascual panggulo sa relasyong Daniel-Kathryn

Reggee Bonoan - February 12, 2015 - 03:00 AM

inigo pascual
Ang bilis ng pagsikat ni Iñigo Pascual dahil may ikalawang pelikula na kaagad siya, ang “Crazy Beautiful You” na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo mula sa Star Cinema sa direksiyon ni Mae Cruz.

Matatandaang ang daddy ni Iñigo na si Piolo Pascual ang nagbalita sa entertainment press na kasama nga ang anak niya sa pelikula ng KathNiel at ito raw ang magiging ka-love triangle nina Kath at DJ.

Going back to Iñigo, napansin namin na may nakalagay na “introducing” sa pangalan niya sa promo materials. Paano nangyari ‘yun, e, nagbida na nga siya sa “Relaks, It’s Just Pag-ibig” kung saan nakasama niya sina Julian Estrada at Sofia Andres?

Anyway, saya namin nasabing ang bilis ng pagsikat ni Iñigo ay dahil katatapos lang ng Wansapanataym episode nila ni Julia Barretto ay heto’t may next project na namang niluluto ang ABS-CBN para sa kanya.

Bukod dito, inihahanda na rin ng Star Records ang kanyang debut album. May pelikula rin sila ni Julia kasama sina James Reid at Nadine Lustre under Viva Films na ipalalabas naman sa Marso.

Ang taray, di ba? After ng “Crazy Beautiful You” na showing na sa Feb. 25, may kasunod kaagad na movie ang binatilyo na showing naman sa Marso?!

Sa totoo lang, ang daming talents ng Star Magic na naunahan ni Iñigo in terms of projects. Balita rin namin according sa taga-production ng “Crazy Beautiful You” ay mabait daw ang batang aktor at mahusay makisama.

At dito namin binabati ang mommy ng bagets dahil napalaki siya nang maayos maski na nasa Amerika sila at kahit nga malayo sa kanila ang ama nitong si Piolo Pascual.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending