Bashers kay Angelica: Wala kang respeto sa damdamin ng kapwa mo | Bandera

Bashers kay Angelica: Wala kang respeto sa damdamin ng kapwa mo

Reggee Bonoan - February 11, 2015 - 03:00 AM

angelica panganiban
AS expected, trending worldwide ang pasabog ni Angelica Panganiban sa Gandang Gabi Vice lalo na ang tungkol sa pag-amin ng aktres na feeling niya, siya ang dahilan ng paghihiwalay nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Matatandaang magkababata at magkaibigang tunay sina Angelica at Shaina, pero dahil kay Lloydie ay nagkasira na ang dalawa.

Hindi napanood ni Shaina ang GGB episode noong Linggo pero ikinuwento naman ito ng mga kaibigan niya at ilang supporters na nakapanood nito kaya updated siya.

Ito raw ang nag-trigger sa aktres para biglang mag-post ng ilang mensahe sa kanyang social media account, anang dalaga, “Those who tried to break you are expecting you to be in fight mode. Conquer them with your peace.”

“ONE thing I DO BEST to people who try to put me down and try to break me even if Im not doing anything to them? I PUT YOU ON MY PRAYER LIST exactly what i did before, and what i still will continue to do 3 years after #takethehigherroad.”

Dagdag pa, “#butplsdontmentionmynameeverrragain just a lil bumpy moment this evening based on friends texts but all good, still a good Sunday after all. Blessed with #SundayWorkday w my #ASAP20 family and my ever loyal supporters #Shainatics.

Tumawag kami sa taong malapit kay Shaina kung may iba pang nasabi sa kanila ang aktres bukod sa pinost nito sa kanyang IG account. “Wala na Reggs, dedma na, hayaan na.

Hindi na rin naman nagsalita pa si Shaina after niyang i-post ‘yung naramdaman niya that time,” sagot sa amin. Iba’t ibang opinyon naman ang nabasa namin mula sa mga netizen, dapat daw ay hindi na lang nag react si Shaina dahil past na at alam naman daw niyang nagbibiro lang si Angelica.

May mga nagsabi rin na hindi dapat seryosohin si Angelica dahil halatang nanggu-goodtime lang ito para masaya ang usapan nila ni Vice Ganda.

Pero marami rin ang nagsabing napaka-insensitive ni Angelica dahil nananahimik na nga si Shaina ay nagbukas na naman siya ng isyung pag-uusapan ng bayan,  nagpapapansin lang daw ang aktres.

Wala raw itong respeto sa damdamin ng ibang tao. Well, mukhang napansin naman talaga si Angelica dahil bago siya nag-guest sa GGV ay kumikita na ang pelikula nila ni JM de Guzman na “That Thing Called Tadhana” na in fairness ay mahusay talaga ang aktres at wala kaming maisip na ibang artistang babae na puwedeng gumanap sa papel niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tama lang din na hindi na nagdagdag pa si Shaina ng sasabihin niya dahil lalabas lang siyang pikon at “patola” (read: mapagpatol). Anyway, kasama si Shaina sa bagong serye ng ABS-CBN na Nathaniel na malapit na ring magsimula.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending