Yakapan, landian nina John Lloyd at Toni daya lang | Bandera

Yakapan, landian nina John Lloyd at Toni daya lang

Reggee Bonoan - February 10, 2015 - 03:00 AM

toni gonzaga
HINDI namin masyadong napapanood ang Home Sweety Home nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga kaya maraming tanong sa amin ang kakilala naming TFC subscribers kung hindi naiilang ang future wife ni direk Paul Soriano sa ginagawang pagyakap at “paglandi” sa kanya ng aktor.

Ang isa siguro sa binabanggit ng mga nakakapanood ng nabanggit na sitcom ng ABS-CBN ay ‘yung biru-biruan nina Lloydie at Toni na nagyayakapan na nakahiga sa kama na may kunwaring kiss kapag patapos na ang programa, ito kasi ‘yung napanood namin kamakailan lang.

Tinanong namin ang executive producer ng programa na si Marvi Gelito tungkol dito, hindi nga ba nagseselos ang partners nina JLC at Toni na sina Angelica Panganiban at direk Paul.

“Sa tingin ko mare hindi, kasi ang tatanda na nilang lahat para magselos, wala naman akong nababalitaan na nagselos si Angel o si Paul.

“Saka ‘yung sinasabing magkayakap, biruan namin ‘yun sa set, pumunta ka sa taping para malaman mo, maganda lang ang pagkaka-execute sa TV, parang totoo, di ba?” masayang sabi sa amin ng TV executive.

At dahil ikakasal na sina Toni at direk Paul ay may mababago ba sa istorya, “Actually, nu’ng binuo namin ang Home Sweety Home, inisip naming maga-asawa na si Toni, same with John Lloyd kaya walang mababago sa kuwento.

Hindi na naman sila bata para hindi sila subaybayan, pang bagets lang ‘yun,” katwiran pa sa amin ng EP ng programa.As of now ay hindi pa alam kung hanggang kailan ang Home Sweety Home dahil maganda ang feedback at ratings game, “Kaya tuluy-tuloy lang kami.

Bakit ayaw mo ba?” birong tanong sa amin ni Ms Marvi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending