Andi bibigyan ng libreng DNA test para tukuyin ang tunay na ama ni Ellie | Bandera

Andi bibigyan ng libreng DNA test para tukuyin ang tunay na ama ni Ellie

Reggee Bonoan - February 08, 2015 - 03:00 AM

albie casino

SA muling pagharap ni Albie Casino sa entertainment press sa presscon ng Wattpad Presents: A House Full of Hunks ay muling natanong ang aktor tungkol sa ex niyang si Andi Eigenmann at sa anak nitong si Ellie matapos lumutang ang isyung si Jake Ejercito raw ang tunay na ama ng bata.

Kaya pala mega tanggi to the max si Albie noong kasagsagan ng pagbubuntis ni Andi dahil sigurado siyang hindi siya ang ama ng anak ng bata.

Say ni Albie sa panayam sa kanya ng entertainment press, “If you have a secret, you can’t keep hidden forever. “There was always me and Jake Ejercito. There was always the two of us. I don’t know why everyone thinks it was me.

There is no concrete evidence. She just said it was me. She never gave me a DNA test. I don’t know why people automatically assume it was me,” esplika ng binata.

Inamin din ni Albie na hindi na raw niya itinuloy ang DNA Paternity testing dahil time consuming ito, bukod pa sa wala rin naman daw mababago dahil nga hinusgahan na siya ng mga tao.

Ang alam namin bossing Ervin ay ang kampo ni Andi ang umurong sa DNA testing noon dahil nga ayaw harapin ni Albie ang responsibilidad niya sa aktres noong buntis ito.

Para magkaroon na ng linaw ang issue ay nagprisinta na ang isang online blogger na willing niyang sagutin ang gastos ng Paternity test sa halagang P23,000 para magkaalaman na.

Tanong nga ng netizens, bakit tahimik si Andi sa isyung ito, e, hindi ba’t halos lahat ng intriga tungkol sa kanya ay sinasagot niya?  Bakit daw tameme siya ngayon.

Isa pang tanong, bakit on and off ang relasyon nina Andi at Jake Ejercito? Ilang beses nang nambabae ang binata at ilang beses nang nasaktan ang aktres, pero heto’t nagkabalikan na naman.

Post nga ni Andi sa kanyang Twitter account, “4 yrs isn’t a joke. There’s no harm in being human enough to not throw it all away and learn to be friends.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Walang pag-amin na pormal na silang nagkabalikan, pero the fact na magkasama sila sa Singapore kamakailan ay iisa lang ang ibig sabihin nu’n.

At base rin sa mga post nina Andi at Jake kung saan kasama nila si Ellie, mukhang one big happy family na ang drama nila.
Hindi nga kaya nahihiya lang aminin ng dalawa kung ano ang totoo dahil pareho silang lalabas na sinungaling?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending